------------------ DESERVING KA BA? - TopicsExpress



          

------------------ DESERVING KA BA? ------------------ .........Nagkaroon kami ng bagong female housemate noon sa aming flat dito sa Karama,Dubai. Isang gabi habang nagpa-plantsa siya ng kanyang uniform ay na-intriga akong tanungin ito kung bakit siya umalis sa dati niyang tinitirhan, at ayon sa kanya ay... ...Ang ingay kasi ng mga kasamahan ko sa bahay na yun kuya Emil. Parati na lamang na may inuman at walang pakialam sa mga natutulog at may mga pasok sa trabaho. Hindi tulad dito sa inyo, masyadong tahimik!... ...Ito ang pagmamalaking kuwento niya habang masayang nagpa-plantsa. Napangiti na lamang ako ng lihim sa kanyang ikinatwiran. Lumipas ang ilang buwan ay nabalitaan ko na lamang ang pagpapaalam na naman niya sa amin.Hindi daw siya makatulog ng maayos dahil parati na lang siyang kinakagat ng mga surot... ...Ilang buwan din ang lumipas at nabalitaan ko na naman ayon sa aming kaibigan na kakilala niya na nagbabalak na naman daw siyang umalis sa kanyang bagong tinitirhan. Masyadong mataas daw ang sinisingil sa kanila sa kuryente......... ---------REFLECTION: When our highest priority in life void is filled then the next in line will go up to be the next highest priority again. Kaya kapag nalutas ang pinakamataas na problemang ating sinu-solusyunan ay aakyat na naman sa itaas ang panibagong nakasunod upang maging ating pangunahing problema. Marami sa atin ang mas nauuna agad ang magreklamo sa anumang natatanggap sa sarili. They always claim that they dont deserve anything less than enough. Madalas ay sila pa yung mga taong nagmula naman sa kahirapan. Nang makatuntong lamang sa abroad ay maging sariling amoy ay kanila ng nakalimutan. Gods blessing are always in disguise. Ipalalasap Niya muna sa atin ang worst condition to test us if we deserve the blessings that are going to be followed,yun nga lamang ay kung mapagtatagumpayan ba natin ang pagsubok NIYA. Ang mga taong mareklamo sa kanilang trabaho o tinitirhan, kailanman ay hindi nakakatagpo ng mapayapang kinalalagyan. Marami sa kanila ay nabubuhay na lamang sa ilusyon at hindi marunong magpasalamat sa natatanggap. It doesnt mean that we should be content with what we have and make no initiative to improve it. But rather, we must enjoy and appreciate the good things that come our way and make the most of it. MAY KILALA AKO....dito sa Dubai. Panay ang reklamo niya sa kanyang trabaho. Madalas ay kanyang ipinagmamalaki na marami siyang mapapasukang mas higit dito. Nag-resigned siya at namasukan sa ibang kumpanya. Laking pagsisisi niya nitong huli dahil sa napag-alaman niya na ang iniwanan pala niyang posisyon noon ay madalas na ipinadadala ngayon ng kumpanya sa ibat-ibang bansa upang mag-training. ---------LESSON: ...Happiness is not just a feeling,its a condition,a choice and an attitude that we create. Appreciating our blessings is all a matter of attitude,it depends on how we see things!.........EMIL (Host/Life Coach/Mentor/Writer---The Filipino Expat Magazine Middle East)
Posted on: Sun, 24 Nov 2013 21:29:24 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015