------------------ NO SMOKING,PLEASE! - TopicsExpress



          

------------------ NO SMOKING,PLEASE! ------------------ .........Habang abala kaming naglalaro ng mga barkada ko ng Candy Crush ay biglang naglabas ng isang kaha ng sigarilyo ang isang kaibigan namin. Matapos siyang dumukot ng isang stick ay nag-abot din siya ng isa sa kasamahan namin. Matapos nilang sinindihan ng sabay ang sigarilyo ay binalingan nila ako at inalok, na akin namang tinanggihan. Matagal na rin kasi akong tumigil mula ng magsimula ako sa edad na 12 anyos... ...Parang napahiya ang dalawa sa aking iginanti sa kanilang handog. Akala kasi nila ay naninigarilyo pa ako. Nagwika sa akin ang isa ng ganito... ...Alam mo Emil,manigarilyo ka man o hindi ay mamamatay din naman tayong lahat. Yung isa ngang kakilala ko ay inatake sa puso at namatay gayung 21 anyos lang ito. Kung oras mo na talaga ay hindi mo ito mapipigilan,kaya enjoy the life lang!... ...At ito nga ang pang-uudyok na ikinatwiran niya sa akin na siya namang aking sinagot ng ganito... ...Kung mamatay man ako bukas for not smoking,is not the issue. Let us be objective here. Hindi naman kamatayan natin ang pinaguusapan dito. This is about having a healthy living as how we care about our health. If you care then you can quit,but if you dont then go ahead coz no one is caring for your health except yourself......... ---------REFLECTION: Marami ang pumanaw na lang sa mundo subalit kailanman ay hindi man lamang nakatikim ng kahit anong bisyo sa lupa,tulad ng alak,sigarilyo,sugal, at droga. Meron din naman na sobrang talamak kung magbisyo subalit nasaan ka at buhay na buhay. May mga kaibigan ako na maagang namatay pero wala ni kahit anong bisyo sa katawan. Samantalang meron akong kakilala na ang lakas manigarilyo pero nauna pang namatay ang kanyang asawa at bunsong anak! Parang gobyerno lang naman yan ng bawat bansa. Ang mga pulitikong sangkot sa milyong dolyar ng pagnanakaw ay nasa labas at nag-eenjoy samantalang ang iba na hindi lang nakapagbayad ng inutang sa bangko ay ikinukulong. Totoo talagang hindi lahat ng kriminal ay nasa kulungan. To those who are seeking for an inspiration and advice then this story of mine is for them. Pero sa mga taong hindi naman interesado,well then this is just a crapped story. If this formula would work well congratz,but if not then sorry. Alangan namang uminom tayo ng cough syrup para gamutin ang sakit sa balat. Life is like a cigarette,it is not the cigarette that causes the problem but how we abuse it. Hindi puwedeng sugatan natin ang ating sarili at sisisihin ang talas ng kutsilyo. Ang buhay natin ay hindi lamang binabase sa emosyon parati,dapat din ay may common sense,but sad to say it is very rare nowadays. ---------LESSON: ...Knowledge is understanding that a tomato is a fruit. Wisdom is not putting it in a fruit salad. But ignorance is ignoring it and they just go ahead. Wala namang bangkay ang nagtatangkang magpakabuhay kundi ang taong buhay lamang ang nagpapakamatay.........EMIL (Host/ Life Coach/ Mentor/ Writer of Bulong ng Puso & Anong SAY Mo?---The Filipino Expat Middle East Magazine)
Posted on: Tue, 19 Nov 2013 21:59:11 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015