------------------ THE X RATED ------------------ - TopicsExpress



          

------------------ THE X RATED ------------------ .........Isang araw ay narinig kong nag-ring ang celfon ko. Nang tingnan ko ang caller ay ang ex ko pala. Nang sagutin ko ay ramdam ko agad sa kanyang tinig ang kalungkutan. Humiling na kung maari ko siyang masamahan sa kanyang problemang personal. Sumang-ayon agad ako at kami ay nagkita... ...Nalaman ito ng isang malapit kong kaibigan at nagwika sa akin ng ganito... ...Alam mo Emil,hindi mo man ito aminin pero halata kong mahal na mahal mo pa rin ang ex mo. Hindi ka pa rin makapag-let go,kasi nagki-care ka pa rin sa kanya kahit tapos na ang relasyon ninyo!... ...Matapos niya itong sabihin sa akin ay tiningnan ko siyang nakangiti at sinagot ng ganito... ...Of course mahal ko talaga ang ex ko dahil bahagi siya ng buhay ko. Utang ko rin sa kanya ang anumang kasiyahan,katatagan,kaalaman at karunungan na meron na ako sa ngayon. Yun nga lang,I am no longer in love with my ex, ang nawala lang naman sa amin ay passion and romance!... ---------REFLECTION: Marami pa rin sa atin sa ngayon,really feel great disappointment and anger when they are dealing with their ex. Ang isinaksak sa isipin kasi pagkatapos ng hiwalayan sa isang relasyong hindi nag-worked out, is failure! Nagtatanim ng inis at sama ng loob. Ito ang mga taong tunay na hindi makapag-let go! Masyadong umiiral ang pagka- bitter. Iniisip nila na sila ay sinamantala at nabiktima ng mga hinayupak na ex. We have to think that every calamity and adversity we experienced from our past relationship is an opportunity to learn. Ang paglago ng karunungan ng isang tao ay nababatay sa kanyang masusing pagtanggap ng kaalaman ayon sa resulta ng kanyang kamalian,tagumpay at kabiguan sa nagtapos na relasyon! ---------LESSON: ...Walang sinuman ang dapat na sisihin sa relasyong pinagtapusan. Dahil ang lahat ay pintuang nagbubukas patungo sa daan ng karunungan......EMIL (Host/ Life Coach/ Mentor/ Writer of Bulong ng Puso & Anong SAY Mo?---The Filipino Expat Middle East Magazine)
Posted on: Sun, 17 Nov 2013 22:38:26 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015