------------------ THY KINGDOM COME - TopicsExpress



          

------------------ THY KINGDOM COME ------------------ .........Kinausap ako noon ng kaibigan kong ito kung okey lang ba daw na samahan ko siya sa Philippine Consulate. Ito ay hindi hinggil sa kung anumang dokumento na nais niyang maipaayos,tulad ng passport,OEC at mga authenticating papers. Ayon sa kanya,ay nais niyang magkaroon kakaibang selebrasyon ang kanyang kaarawan. Sa halip na gawin itong party kung saan ay dinadaluhan ng kanyang mga kakilalang kaibigan ay susubukan niyang i-donate na lamang ang budget ng kanyang selebrasyon sa mga kababayan nating kasalukuyang kinukupkop noon ng Philippine Overseas Labour Office at OWWA. Dumulog na nga kami ng tanghaling iyon sa opisina ng Polo-Owwa. Nagdala siya ng mga bigas,de lata,toothpastes,sanitary products,prepaid cards at mga iba pang pangangailangan ng mga kababayan nating pinay na kasalukuyang naghihintay ng mga hatol sa kanilang kasong takas o absconding. Marami kasi sa kanila ay mga hindi pinapasuweldo,hinalay,pinahirapan at sinaktan kung kaya sila ay nagsipagtakas sa poder ng kanilang mga amo sa Dubai,UAE. Matapos niyang ibigay ang kanyang mga inihandog ay nagbalik na kami sa kanyang sasakyan. Nang aktong isasaksak na sana niya ang susi upang paandarin ang sasakyan ay bigla siyang sumubsob sa manibela at duon ay humagulhol ng iyak,at nagwika sa akin ng ganito... ...Pasensiya ka na Emil, hindi ko talaga mapigilang hindi umiyak. Hindi ko alam kung bakit ako naging very sentimental!... ...Matapos siyang humingi ng dispensa sa akin ay sinagot ko siya ng ganito... ...Huwag kang mag-alala alam ko ang luhang yan at napakasuwerte mo naman! Marami ang gustong masilip lang saglit ang pintuan ng Kaharian ng Diyos pero isa ka sa mapalad na pinatuloy NIYA hanggang sa loob!......... ---------REFLECTION: Sa tuwing nagbibigay at naghahandog tayo ng anumang biyaya sa ating mga mahal sa buhay is an act of love. Subalit ito ay binabalot ng papel na kung tawagin ay responsabilidad at obligasyon. Kapag nagbigay tayo sa sinumang hindi natin kaanu-ano ay duon pumapasok sa buhay natin ang hindi mabibiling biyaya o bunga mula sa puno ng Unconditional Love. Nitong nakaraang biyernes lamang(Nov16) ay nahilingan ako ng sambayanang Pililpino na maging host/artist ng isang event; ang Brunch for a Cause. Ito ang paraan na ginawa ng ating mga kababayan sa Dubai upang makalikom ng salapi at maitulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa lalawigan ng Tacloban. Marami ang Pilipinong dumalo at nakiisa sa proyektong ito. Lumitaw sa kanilang mukha ang nakatagong pagmamahal na galing sa puso para sa mga naulilala ng tahanan at mga pamilya dulot ng bagyo. May mga nagsipagdalo na nag-abot na lamang ng pinansiyal na tulong at hindi na pinansin ang pagkaing inihanda. Subalit hindi rin maiiwasan na may mga ibang hindi nauunawaan ang pinakabuod ng layuning ito. Lumipas ang mahigit kumulang na 2 oras ng maubos agad ang pagkaing ibinalot tulad ng kanin at ulam. Dito ay nagsimula namang maginit ang ulo ng ibang mga kababayan nating nagsipagbayad na ng Brunch Meal. Dala marahil ng gutom na inaasahang agad na sila ay makakakain ay nagsimula na rin silang magparinig ng mga maa-anghang na salita sa paligid. Na labis naman ikinalungkot ng mga naroroong abala sa paglilikom ng mga donasyon tulad ng mga damit,gamot,pagkain at marami pa. ---------LESSON: ...Ang taong bukas-palad sa kanyang kapwa ay hindi kailanman magugutom at kasaganahan ang kapalit. Subalit ang taong gahaman sa salapi,pagkain at karangalan ay pinagsasarhan ng langit......EMIL (Host/ Life Coach/ Mentor/ Writer of Bulong ng Puso & Anong SAY Mo?---The Filipino Expat Middle East Magazine)
Posted on: Mon, 18 Nov 2013 20:37:32 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015