--------- ANONG ALAM MO SA PAGIBIG?.. Nagmahal na ba kayo? - TopicsExpress



          

--------- ANONG ALAM MO SA PAGIBIG?.. Nagmahal na ba kayo? Malamang 90% -100% ang sagot ay OO nag mahal kami. ngunit ang tanong ay anong pagmamahal ba ang inyong napala? naging makabuluhan ba ang bawat sandaling lumulipas sa inyo o sadyang naglalaro ng parang bahya bahayan lang tulad ng isang bata, may nanay, may tatay at may ate at kuya, ngunit walang kapitbahay. Napalayao ng pilisopiya ng tanong ko, pero di ba may katotohanan na kahit bata pa man tayo ay may kung anong kaisipan ng nabuo dahil alam natin kahit noon bata pa tayo ang kahulugan ng pagmamahal sa kahit mababaw na rason lamang. pilosopiya ay konektado rin sa buhay ng tao at ang kakayahang umibig ay natural sa tao. Lahat tayo ay makakaranas ng pagibig, makakaranas ng sarap sa buhay at sa kalagitnaan ng kalikutan ng isip at puso makakaranas ka ng sakit at hapdi, laging may kapalit ang bawat meron ka, laging balanse ang lahat kung kayat nabuo ang mundo kasama na ang mga nilalang dito.Ano ba ang nasa pag-ibig ,kailangan ba nito ang pambihirang talino? , meron daw tinatawag na unibersal na katotohanan. Ano kaya ang ibig sabihin nito. Ang alam ko, karamihan ay nagiging bobo kapag ang puso na ang nag-alboroto yan ang unibersal na katotohanan, di pwedeng itanggi dahil kahit akoy napapangiti sa pilosopiyang nagiging bobo ang tao pagdating sa pagibig. Okey na sana ang umibig at magpakabobo rito, ang problema kung ang iyong sinisinta ay ayaw sa iyo,kawawang kupido,malaking­ trabaho ito. Kailangan ba talaga na may kapalit ang pag-ibig mo? Sa naaalala ko, . Dapat daw umibig ng walang hinihintay na kapalit, ito raw ang tunay na pag-ibig ng isang katoto. Akala ko pa naman na ang lahat ng pag-ibig ay gaya sa mga pelikula na sa hulihan nagiging Masaya. laging happy ending na nakuha ni boy si girl at masayang magkayakap. Di ba romantiko ang banat kapag sinabi na "maghihintay ako sayo", nakakalito talaga ito. Ang pag-ibig nga naman,ang laking misteryo, marami pa rin ang hindi maabot ang rurok ng kapangyarihan ng pag-ibig dahil sa kaisipang ng karamihang pansarile, yun bang " give ng give walang take, o take ng take walang give ". sabi nga na It take TWO to dance TANGGO, bakit nga ba eh pwede namng isayaw ang ibang tugtugin di lang iisa ang tono ng buhay lalo na sa pagibig, kahit isayaw mo mang magisa o dalawa kayo, ang mahalaga kahit man nagpakabobo ka sa pagibig nagpakatotoo kang tao at di sumabay sa kalohina ng nakakarami, diba mga idol masarap ang umibig na limot mo ang mundo? =2ne1=
Posted on: Thu, 01 Aug 2013 22:13:13 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015