----Dalagita dinukot at pinilahan ng 3 by Roger Panizal Jul 16, - TopicsExpress



          

----Dalagita dinukot at pinilahan ng 3 by Roger Panizal Jul 16, 2013 1:56pm HKT NAPAKASAKLAP ang sinapit ng isang 17 anyos na dalagita nang sapilitang isakay sa van at halinhinang pagsamantalahan ng tatlong suspek sa loob ng sasakyan kaninang madaling araw July 16 sa Marcos St., Brgy. Navotas East, Navotas City. Luhaang dumulog sa tanggapan ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Navotas pulis ang biktima na itinago sa pangalang Marimar, 17, ng 98 Quintos St., Brgy. San Jose ng lungsod. Ayon sa ulat, dakong alas 3:00 kaninang madaling araw ng maganap ang paghahalay sa biktima sa loob ng isang sasakyan habang nakaparada sa nasabing barangay. Naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay ng biglang hintuan ng isang kulay puting van na hindi na plakahan at sapilitang isinakay at dinala sa isang madilim na bahagi ng kalye Marcos ng Barangay East. Nabatid na pawang nakasuot ng bonnet ang mga mukha ng tatlong suspek at halinhinang pinagsamantalahan ang biktima sa loob ng nasabing close van. Nagtagumpay ang makamundong pagnanasa ng mga suspek matapos sikmuraan ng suntok at ginuhitan pa ang kamay gamit ang bottle crown. Nakatakas ang biktima sa kamay ng mga suspek at agad nagsadya sa himpilan ng Navotas pulis para magsumbong. Sa isinagawang follow up operation ng mga awtoridad tinungo ang nasabing lugar pinaradahan ng van subalit hindi na ito inabutan. Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang pagkakakilanlan sa mga suspek. diamond
Posted on: Tue, 16 Jul 2013 08:00:51 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015