---VP Binay binigyan ng go-signal ni P-Noy na tumungo ng China sa - TopicsExpress



          

---VP Binay binigyan ng go-signal ni P-Noy na tumungo ng China sa Linggo by News Team Published in Latest News Friday, 28 June 2013 22:53 󾌧YASUHL󾌧 Tuloy na umano ang pag-alis ni Vice President Jejomar Binay sa Linggo patungong China bilang direktiba ng Pangulong Benigno Aquino III upang isalba sa huling sandali ang Pinay na na-convict sa kasong drug trafficking. Ayon kay Binay, na Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers’ Concerns, personal niyang dadalhin ang sulat ng Pangulong Aquino kay Chinese President Xi Jinping. Positibo ang pangalang pangulo na may tsansa pa na ipagpaliban man lamang ang pagpatupad ng parusang kamatayan sa kababayan. “Marami pang factors iinput dito. So tingnan na lang natin. Let’s just continue praying. Ako naman is I always present myself to be an optimist,” ani Binay. “Kami sa pamahalaan, may responsibilidad kami na gumawa ng paraan upang maisalba yung buhay ng kapwa natin Pilipino.” Ito na ang pangalawang misyon ni Binay na magdala ng sulat patungong China. Una itong nangyari noong February 2011 upang iapela ang execution sa mga Pilipinong sina Ramon Credo, Sally Ordinario-Villanueva at Elizabeth Batain na na-convict din sa drug trafficking. Natuloy ang execution sa mga ito na naisagawa noong March 30, 2011. Ang Pinay na pinatawan ng kamatayan ay isa sa dalawang mga Filipino na inaresto malapit sa Shanghai noong January 2011 matapos na mahulihan ng 12.369 kilos ng high-grade heroin. Hinatulan ito ng kamatayan ng walang reprieve noong taong 2012 at ipatutupad ang parusa sa sunod na linggo.
Posted on: Fri, 28 Jun 2013 18:33:45 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015