$500-M loan sa World Bank idinepensa ng Palasyo Binigyang diin - TopicsExpress



          

$500-M loan sa World Bank idinepensa ng Palasyo Binigyang diin ngayon ng Malacañang na kailangan pa rin ang $500 million na loan facility sa World Bank (WB). Sa harap ito ng pahayag ni Finance Sec. Cesar Purisima na malaki ang natipid sa government spending at buhos din ang foreign assistance. Sinabi ni Budget Sec. Butch Abad, kailangan ang nasabing loan o utang para sa pagtatayo ng mga istruktura at efforts ng Tacloban City at iba pang sinasalanta ng bagyong Yolanda. Ayon kay Abad, ang mga natatanggap na donasyon ay nagagamit ngayon sa relief operation sa mga biktima ng kalamidad. Una rito, inanunsyo ng World Bank Group ang US $500 million loan o halos P21 billion at pagpapadala ng global disaster experts para sa recovery efforts ng Pilipinas sa pananalasa ng bagyong Yolanda. Batay sa pahayag ni World Bank (WB) President Jim Yong Kim, committed ang World Bank na suportahan ang pagbangon ng Pilipinas mula sa pinsala ng kalamidad at mapalakas pa ang loob ng mga Pilipino. Ayon sa World Bank, ito ay tugon nila sa kahilingan ng Pilipinas na emergency loan para sa reconstruction efforts sa sinira ng bagyong Yolanda. Maaring magamit daw ang pondo sa mga mahihirap, pansamantalang tirahan ng mga biktima at sa paglilinis o clearing operations sa mga debris matapos ang kalamidad. “In the aftermath of the typhoon, we have seen courageous efforts by the people of the Philippines to get back on their feet,” ani World Bank President Jim Yong Kim. “We are committed to supporting the government in its effort to recover and rebuild, and to help Filipinos strengthen their resilience against increasingly frequent extreme weather events.” Bombo Radyo Admin Rapista
Posted on: Mon, 18 Nov 2013 16:28:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015