"Cute na nakakainis kasi minsan yung mga lalaki.." Pag may period - TopicsExpress



          

"Cute na nakakainis kasi minsan yung mga lalaki.." Pag may period ka - Itatanong mo sa kanya kung meron ba. Tas sasabihing meron daw. Ikaw naman tong medyo uto2x, maniniwala, magtatago ka sa kanya. Tas yun, tatawa nalang si boyfriend kasi joke lang daw yun. Kung patago lang relationship niyo - Pag babae, matatakutin talaga sa parents, o kahit may kakilala lang makakakita sa inyo. Tas pag itatanong mo kung safe ba sasabihing hindi. O minsan, pagtitripan ka, nasa likod mo daw nanay at tatay mo! Magtago ka daw, wag lilingon! Medyo childish - Guguluhin yung buhok mo. The more you angal, the more niya lang guguluhin yung buhok mo, sabay kiss. Hahaha Minsan paglalaruan din yung braso mo, tutuksuhin ka na parang hita daw ng baby. Minsan yung mukha mo naman, pipisilin niya hanggang mamula ito. Sa text - Makulit! Pag busy ka, mas lalo kang ititext kasi daw nami-miss kana niya. Magdedemand ng oras. Magtitext ng kung ano2x para mapansin mo lang. Minsan mag send pa ng GM o kaya yung text na medyo confidential tas may pahabol na text na “Sorry, wrong send po.” Sarap niya itapon sa bermuda triangle eh! Sa Facebook - Yun, itatag yung picture mong pangit. Gagawing Profile picture yung throwback mong jejepic. Kasi daw ang cute cute mo dun. Kahit hindi naman. Hahaha I-unfriend pa yung mga malalanding lalaki na comment ng comment sa picture mo. Tas syempre, sa bawat post at comment mo, di pwedeng hindi niya i-like ito o mag comment. Mga memasabi lang naman? Ganon? Pag may lakad yung tropa - Dadaan ka muna sa madaming tanong bago ka niya payagan. Sino kasama mo, bakit kayo pupunta dun, saan ba kayo pupunta? Di ba ako pwede sumama? Yun naman pala, gusto lang sumama. Hahaha Ganun sila eh, yung feeling nila mga lalaki kasama natin? Eh hindi naman. Tsaka kahit ganun, sila padin naman yung mahal natin at hindi natin sila ipagpapalit. Pag may papogi na dumaan - Mag mi-make-face. Pogi pa daw siya dun. Bakla daw yun. Nadaan lang sa damit, sa buhok, sa sapatos. Hahaha Yung totoo? Nagseselos ka ba? Eh kahit naman saan ako tumingin, ikaw padin naman yung pinakagwapong lalaki sa paningin ko! #:) #gotIT!
Posted on: Mon, 23 Sep 2013 10:15:04 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015