‘Cyclope’ baby ipinanganak sa Masbate by Robert Ticzon Aug - TopicsExpress



          

‘Cyclope’ baby ipinanganak sa Masbate by Robert Ticzon Aug 7, 2013 5:40pm HKT HINDI dalawa kundi isa lang ang mata at nasa noo pa ang katangian ng isang sanggol na isinilang sa Barangay Health Center sa Sta. Cruz, Palanas, Masbate kaninang madaling-araw . Pero makalipas lamang ang dalawang oras ay binawin na rin agad ng buhay ang naturang sanggol na wala ring ilong. Ayon sa widwife ng health center, napansin ng ina nito na si Gretchen Abad, na hirap huminga ang kanyang anak kaya isinugod ito sa ospital subalit binawian din ng buhay. Napag-alaman na dating xerox machine operator ang ina ng sanggol mula sa ika-apat hanggang ika-pitong buwan nitong pagbubuntis. Ayon sa mga doktor, posibleng naapektuhan ng radiation ng photocopying machine ang development stage ng naturang sanggol kaya may deformaties ito sa mukha. Napag-alam din na may isang cartoon character na nasa cell phone ng ginang ang araw-araw na gustong tingnan nito habang ipinagbubuntis ang anak. Pinabulaanan naman ng mga manggagamot sa isang pampublikong ospital sa Masbate na ipinaglihi Miilfred ang anak sa isang Cyclope na isang tauhan sa Greek mythology na iisa lang ang mata. ~crystal~
Posted on: Wed, 07 Aug 2013 14:14:47 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015