[FROM OUR iNBOX] hello po! ^_^ Gusto ko lang po sana i-share - TopicsExpress



          

[FROM OUR iNBOX] hello po! ^_^ Gusto ko lang po sana i-share yung kwento ko tungkol sa isang guy na nakilala ko lang sa Facebook..at syempre humingi na rin ng advice. Sa totoo lang hindi ko siya kilala at kahit mukha niya ay wala akong ideya. Nalaman ko kasi na hindi pala totoo yung account nya na noon nga ay gamit nya nang i-add nya ako sa isang social game. Pero bago lahat nangyari un, naging close muna kami. Lagi kami nag-uusap, chat-chat ganun hanggang sa hiningi niya number ko. Noong una wala sana akong balak ibigay pero naisip ko rin naman na..cellphone number lang at isa pa friends na rin kami. Ayun..palagi na kaming nagttxt. Halos buong araw walang tigil. Minsan pa nga pinag-uusapan pa namin kung kailan kami mag-loload uli. At dumating nga yung point na tinanong niya ako kung pwede ba daw manligaw. At dahil sa may namumuo ng pagmamahal, pumayag ako at naging kami. Simula noon, palagi kong tinitingnan yung Facebook account nya. Nagtataka kasi ako sa tuwing nakikita ko yung Profile Picture niya hindi ko maiwasang magduda. May itsura ito base sa laman ng picture at napakaimposible na magkagusto sa akin ang ganitong lalaki. (hahahaha para kasi sa akin ang may-ari ng picture na un ehh ang tipo ay ala Bea Binene *-*) nag-search ako kagad sa Google at nalaman ko lahat ang kasinungalingan niya na wala pang inaamin sa kanya. Nang makahanap na ako ng pagkakataon na sabihin sa kanya, umiwas siya sa akin at dun nya din sinabi na tama lahat hinala ko. Nag away kami nong gabing yun to the point na umiiyak na ako..pero kinabukasan naging okay na ulit kami. Tuloy pa rin relasyon namin kahit siya lang ang nakakakilala sa akin at ako naman ay hindi nakakakilala sa kanya. Tinuloy namin ang realsyon dahil alam namin na mahal namin isat isa. Kahit sa tawag at txt lang. Yesterday which is Tuesday, ay Monthsary namin..syempre puro sweet words. At sa kabila ng masayang araw na yun, nagkalabuan na nman kami. Pinilit ko kasi siya na i-add na ako sa original na account nya at sinabi ko rin sa kanya na gusto ko lang nman malaman ang katotohanan..ang lahat na katotohanan tungkol sa kanya. Dun ko nalaman na bata pa pala siya sa akin ng apat na taon. (kaya pala sa tuwing nag-uusap kami sa phone ei ang cute ng boses nya. Alam niya rin yun dahil lagi ko sinasabi sa kanya na nakyukyutan ako sa boses nya xD)na distract kagad ako. Alam niya yun kasi sinabi ko sa kanya na ayaw ko sa mas bata pa s akin. Hindi ko sinasagot mga tawag niya..kina-cancel ko pa para ramdam nya talaga na ayaw ko ng mkipag-usap pa. He sent a message na humihingi siya ng sorry at gusto nya pa rin daw n maging magkaibigan kami. Hayaan ko daw na makabawi siya. Alam niya daw kasi na masasaktan ako kaya hindi niya masabi-sabi ang tunay nyang pagkatao. Pero mismo utak ko na sinunod ko. Sinabi ko sa kanya na tigilan na niya ako at hindi na rin ako mangengealam sa kanya. Pgkatapos nun..hindi na siya ngreply. Nagawa ko pang magtxt sa kanya ng #dhiE#mamimisskita#mhiE Wala pang minuto narinig ko yung fon ko na tumutunog at nabasa ko na siya yung tumatawag. Hindi na ako nagdalawang isip at pinatay ko na fon ko. Sorry po kung ang mahaba ahh!nabasa ko lang po kasi lately na prang hindi nman worthy i-post kung maikli lang yung kwento ^_^ Sana matulungan nyo ako...thank you in advance
Posted on: Sat, 02 Nov 2013 07:02:21 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015