" Kathryn more in love than Daniel " SWEET-sweetan sina Daniel - TopicsExpress



          

" Kathryn more in love than Daniel " SWEET-sweetan sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo noong presscon ng “Got to Believe.” Kilig-kiligan ang mga naroong fans nila na may mga nagtitilian pa. Sabi ni Kathryn, kinikilig siya at inspired kapag nakikita niya si Daniel. Isa raw si Daniel sa mga nagpapabaligtad ng mundo niya aside from her family and fans. Sabi naman ni Daniel, special at importante sa kanya si Kathryn. Isa rin daw si Kathryn sa mga nagpapabaligtad ng mundo niya. Nasa MU (mutual understanding) level pa rin ang relasyon nila. When asked kung mahal ba niya si Kathryn at baka inililihim lang nila ang kanilang relasyon, “Ano ba namang tanong ‘yan? Ang hirap sagutin,” sagot ni Daniel. Either yes or no lang naman ang dapat niyang sagot, mahirap bang sagutin ‘yun? Between him and Kathryn, obserbasyon ng entertainment press, parang mas malaki ang gusto ni Kathryn kay Daniel. Tama ba? Noong presscon, mas open si Kathryn sa pagpapakita ng sweetness niya kay Daniel at kapag nagsasalita ang huh, all eyes si Kathryn sa kanyang ka-love team na para bang kumukuti-kutitapang mga mata niya. Basta! Parang tatay Revelation pa nina Daniel at Kathryn sa presscon ng “Got to Believe,’ pagkagising nila sa umaga at bago sila pumunta sa taping, they text each other. After work, inihahabd ni Daniel si Kathryn so bahay nito at bago siya umalis, beso-beso sila ni Kathryn, ayon kay Daniel. Sabi naman ni Kathryn, bago siya matulog sa gabi, ipinapaalala niya kay Daniel na matulog ito nang maaga kapag may trabaho sila kinabukasan. Naiinis siya kay Daniel kapag nali-late ito sa taping nila. Ayon pa kay Kathryn, parang tatay si Daniel at hinahangaan niya ang pagiging responsible nito sa kanya. “Maski sa suot kong damit, pinapansin niya. Sinasabi niya kung maganda o pangit. Natutuwa ako sa pagiging consistent niya. Sobrang excited akong magkatrabaho uli kami. Maganda ang vibes namin sa ‘Got to Believe’ dahil kakaiba ang story nito,” saad ni Kathryn. “Masaya kami sa taping. Masarap, ang gaan ng pakiramdam. ‘Yung personal feelings namin sa isa’t isa ang magic sa working relationship namin. Magical ang nangyayari ngayon sa lovelife at career ko,” wika naman ni Daniel. Soon ay mapapanood na ang romcom TV series na “Got to Believe” sa ABS-CBN Primetime Bida. Tampok din sina Carmina Villarroel, Benjie Paras, Manilyn Reynes at Ian Veneracion. Sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina. First time Magkasama for the first time on television ang half-brothers na sina Mark Anthony at Renz Fernandez. Tampok sila ngayong Sabado sa “Magpakailanman” sa episode na pinamagatang “Lubog sa Pubk: A Quezon Flash Flood Story.” Kasama sa cast sina Chynna Ortaleza, Rich Asuncion, Rose Ann Magan, Nicole Dulalia, Kenji Anonuevo, Rain Quiote at Colleen Reyes. Directed by Adolf Alix, Jr. Tungkol ito sa trahedyang nangyari sa Infanta, Quezon noong 2004. Magkumpare sina Emmanuel (Mark) at Manuel (Renz). Nagalit si Manuel kay Emmanuel nang ipaalam nito sa asawa ni Manuel ang pambababae ng huh. Nang biglang dumating ang unos (flash flood) sa kanilang lugar, nahiwalay si Emmanuel sa kanyang pamilya sa paglikas nila. Magkakasama naman ang pamilya ni Manuel sa isang ugar. Sa pagkawala ng mga mahal niya sa buhay, paano kaya ito hinarap ni Emmanuel? #DanielIsMyWorld
Posted on: Fri, 12 Jul 2013 11:47:07 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015