*MAGANDA* Hindi lahat ng maganda, swerte. Oo, siguro nga, sa - TopicsExpress



          

*MAGANDA* Hindi lahat ng maganda, swerte. Oo, siguro nga, sa ibang bagay, ang swerte-swerte nila. Sa isang crowd ng mga babae, sila agad yung napapansin. Pero sa realidad, hindi porket maganda ka, masaya ka na, kontento ka na sa buhay mo o sa kung anong meron ka. Kasi lahat ng may positive na epekto, may negatibong epekto. Dahil maganda ka, madaming nagkakagusto sa’yo. Pero nagkakagusto lang naman yung iba sa’yo dahil sa kagandahang pisikal mo. Maraming kumakaibigan sa’yo kasi maganda ka. At kapag maganda ka, sikat ka. At kapag sikat ka at dumikit sila sa’yo, sisikat din sila. Dahil maganda ka, madalas, nasasabihan kang malandi. Dahil nga madaming lumalapit sa’yo, ang akala ng mga ibang babae, nilalandi mo sila. Dahil maganda ka, nakaugalian nang isipin ng ibang tao na kaya ka sikat e dahil lang sa itsura mo. Iniisip ng marami na hindi ka matalino. Na ang dahilan lang talaga kung bakit kilala o popular ka e dahil maganda ka. Dahil maganda ka, ginagawa ka lang tropeo ng mga lalaki. Hindi ka nila ginagawang syota kasi mahal ka talaga nila pero gusto lang nila ng magandang muka na masasabing girlfriend nila. Dahil maganda ka, madalas kang pinagtitripan. Napapahamak ka kasi madaming loko-lokong lalaki ngayong panahon na ‘to at ang kadalasang binibiktima nila e mga magagandang babaeng katulad mo. Iba lang yan sa mga negatibong epekto ng pagiging maganda. Kaya kung anong itsura mo sa ngayon, makontento ka. Kung pinanganak ka nang maganda, magpasalamat ka pero mag-ingat ka din. . . . #AdminJhay "7" more cute quotes just follow--->facebook/idolpauljohn facebook/lists/674052425944793
Posted on: Thu, 18 Jul 2013 10:54:20 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015