MY ANGEL IN THE BLUE MOON ******** PART II ******** written - TopicsExpress



          

MY ANGEL IN THE BLUE MOON ******** PART II ******** written by: #azumi *CHAPTER 4 / PAGE 1 * DALAWANG araw na ang lumipas simula ng magkausap sila ni Mike sa mansion. Ngayon heto siya at pabalik-balik sa loob ng kanyang opisina. Natutuliro siya na hindi maka pag-isip ng maayos. Limang araw na lang at kailangan niya nang magdisisyun. Pero ni wala man lamang siya naririnig na salita galing kay Mike.. Ah bahala na, para kay migie gagawin ko ito. Kahit na gusto ko na minsan isumpa yung pagmumukha ng lalaki na yun. = tok...tok..= Nakuha ang pag-iisip niya ng may kumatok sa pintuan at sumungaw si Sherwin... Hi megs, did I interrupt you? Hindi naman hali ka pasok. I bring you lunch mukhang di kapa kumakain eh. Pano mo na laman huh? Secret alam mo naman na iisa lang bituka natin. Hulaan mo kung ano ang especial na dala ko? Pwede maamoy? Nope, di pwede Ang daya pano ko yan malalaman? Isipin mo na lang, sige ka paghindi mo nahulaan. Hindi ka pwede makakain nito. Nakangiting sabi ni sherwin sa kanya at itinago ang pagkain sa likuran. Habang si Angel gumagalaw-galaw ang bibig sa kakaisip kung ano iyon.. Aha! Alam ko na ginataang sugpo? Hindi... Ginataang alamang? Mali.... Eh ano nga sabihin mo na gutom na ako eh. *broot* Ayan oh tumutunog na ang sikmura ko. Sige na nga kawawa ka naman, yung paborito nating siomai sa kanto. Wow talaga?! Uhmm naamoy ko na, lalo tuloy akong nagutom. Hali kana kain na tayo? Magkatulong na nila inilagay ang pagkain sa maliit na mesa ng sala niya at sabay na nga silang kumain... Si aunti pala nagluto nito? Sabi mo sa kanto, sinungaling ka. Joke lang yun wala na yung soimai sa kanto eh kaya si inay na lang nagluto. Pero masarap din huh tsaka may bagoong pa.... Oo alam ko naman na favorite mo yang bagoong sa soimai. Thank you megs. Habang masaya silang kumakain na dalawa at nag-uusap walang ka malay-malay si Angel na meron pang dumating na bisita kaya lang ng malaman na andun si Sherwin hindi na ito nag abalang pumasok at makita siya at nagpaalam sa secretary niya.. ~~ Tingin ko may problema ka nanaman? Tiningala muna ni Angel ang kaibigan bago nagsalita.. Megs, kasi sinabi ko na kay Mike yung totoo. And then ano naman reaksyun niya nung malaman? Galit syempre, pero hindi iyon ang inaalala ko. Eh ano naman? Sumubo muna siya ng soimai bago nagsalita na tila doon kumuha ng lakas sa maanghang nitong lasa dahil sa bagoong.. Kasi, binigyan ni don Hulyo ng 50% share si migie sa Hacienda hati sila ni Mike pero as a mother ako muna ang may full responsibility na hawakan iyon. Naku mayaman kana talaga megs. Hai? Kung hindi lang para kay migie ibabalik ko yun sa ama niya ng buong buo. Kaya lang may karapatan doon ang bata. But may condition yun megs. Ano naman yung condition? Kailangan namin tumira ni Mike sa iisang bubong sa loob ng 2 buwan at tsaka dapat din namin pag-aralan ang pamamalakad doon. Bagsak ang balikat ni Angel pagkatapos niya sabihin sa kaibigan. Hinawakan naman ni Sherwin ang baba niya at itinaas tsaka tinititigan siya sa mata... Do what you think is right. Kung iniisip mo ang ang karapatan ni migie doon then go for it. Di naman kayo siguro magsasama sa iisang kwarto di ba? But if yung future ni migie ang iisipin mo, you can give him a bright future megs. Lalo na nakikilala na yung shop mo. Thank you megs, for being there for me all the time. Niyakap naman ito ni Angel na hindi alam ang totoong nararamdaman ng kaibigan sa kanya. (Kailan nga ba nagsimulang mahalin niya si Angel? Ang babaeng kayakap niya ngayon. Ah, noong isilang nito si migie na parang siya na ang tumatayong ama. Na kahit ang mga nurses doon napagkamalan siya. Alam niya na bilang matalik lang na kaibigan ang nararamdaman ni Angel sa kanya kahit pang sabihin simula bata sila na ang magkasama. Kaya he choice to keep and to show how much she cared for this girl.) Oh sige na kain kapa, ubusin mo yan huh. Ngingitian naman siya ni Angel at sinubuan ng soimia. Kumuha din siya ng fried chicken at isinubo kay Angel at akmang kakagatin na nito inilayo niya... Ang daya mo! Di ka talaga nagbabago. Pinalo naman siya ni Angel sa balikat na pareho na silang nagkatawanan. Ganito sila kasaya pagmagkasama pero hanggang pagkakaibigan na lang talaga ang lahat sa kanila. Natatakot siyang sabihin dito ang totoo niyang nararamdaman baka mailang pa ito at iwasan siya...
Posted on: Sat, 12 Oct 2013 11:17:55 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015