"STOKER IN DREAMS" 38. June 10 - DJ ED DEHINS PO SIGN-IN, MAARAW - TopicsExpress



          

"STOKER IN DREAMS" 38. June 10 - DJ ED DEHINS PO SIGN-IN, MAARAW ANG PANAHON NAMIN DITO. GOOOOOOD AM/PM ANO MANG TIME MERON KAYO RIYAN SAAN MANG PANIG KAYO NG MUNDO NAROROON. UNTI -UNTING KWENTUHAN NA NAMAN PO TAYO. ANG PAGPAPATULOY NG KWENTONG PAG-IBIG NI JOSHUA -K, PAG-IBIG NYA AT PAGIGING STOKER SA ISANG SIKAT NA ARTISTA, " STOKER IN DREAMS" .. Dear DJ ED; kahit paano ko isipin si Anie ay hindi ako makakonnect sa kanya, nakakalapit ako sa condo nya dahil sa mga Cp at gadget ng iba na nakabukas. Tila patay ang mga gadget ni Anie, ni isa ay walang nakabukas. Kinontak ko rin si Direct wala din sya, bumalik ako ng Ospital naroon naman ang mga parents ko parang walang pagbabago doon. Pumunta ako ng TV station, hindi ko talaga makita si Anie at Direct parang nasa isang lugar sila na walang Gadget na bukas. Bakit ganon ? tanong ko sa aking sarili malapit na ang oras. Napilitan akong pumunta ng MRT kung saan magaganap ang panaginip namin, kahit papano ay may magagawa siguro ako. Tulad ng sa panaginip namin ay hindi rin ako makalapit wala ng mga taong may dalang Gadget. Oras na, naganap na nga, nawalan ako ng signal, parang TV na walang Antena. Isang puting liwanang lang ang aking sinundan. Nagkaroon ako ng signal pero , para akong nakakulong sa isang silid, nanghihina. Mayamaya ay nagising nalang ako Magkahawak kami ng Kamay ni Direct at Anie C, nagsagawa ng isang PSYCHE session si Direct sa paggising kong ito ay nasa totoong katawan na ako. Agad naglapitan ang mga Nurse at doktor , tiningnan ang mga Vital sign ko, normall daw lahat , yumakap ang parents ko at tapos ay kinamayan nila si Direct, Yumakap din sa akin si Anie C tumutulo ang luha napaiyak, 'salamat tagumpay ang naisip ni Direct na paraan" sabi ni Anie C. Nagpalakpakan ang lahat , agad nagsalita si Direct wala munang kukuha ng mga gadget hanggat walang siyang signal. Napansin ko walang mga dalang kahit anong gadget ang mga tao doon, kahit ang mga gadget ng MRT ay disabled lahat, kahit ang CCTV at walang taong pinaakyat sa Magallanes STATION. Ang mga Tren nito ay hindi nahinto doon, siguro may dalawang byahe ang pinalagpas. Tiningnan muna ni Direct ang orasan nya isang relong makaluma na mechanical pa ang yari, Seiko 5- 21 jewels alam ko iyong modelong iyon may nakatago akong kaparehas noon. Matapos ay nagbigay na ito ng signal na pwede na at , bunuhat ang streacher na kinalalagyan ko isinugod uli ako sa Ospital sakay ng Ambulansya, pero hindi na sa dating Ospital. Si Anie C lang ang sumama sa akin sa loob ng Ambulancia, hindi parin natigil sa paghikbi. "Tahan na Anie, ano kaba para kang namatayan, eh, buhay naman ako.' say ko " Josh ko naman Josh, hindi naman ako naiyak sa lungkot naiyak ako sa saya dahil sa tagumpay ang ginawa ni Direct, Scripted ang lahat at sya mismo ang gumawa at namahala sa lahat" say ni Anie "Talaga? scripted iyon?" tanong ko. "matagal plinano ni Direct ang mga bagay sa isasagawang PSCHE session" dugtong ni Anie. Naputol ang aming usapan ng , dumating na kami sa ospital, Malayo sa Cellsite at wala ring Transmiter ng Radio. Kasunod naming umakyat si Direct at ang parents ko at sa isang kwarto doon, matapos uli akong check-upin ay nagkwento na si Direct sa akin, tungkol sa ginawang PSYCHE session. - JOSH K ....... DJ ED DEHINSPO HANGGANG SA MULI..
Posted on: Sat, 27 Jul 2013 12:05:09 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015