........ Simula nang ako ay nagkaisip, Isip ako ng isip at tanong ako ng tanong. Noong sinabi nila na, “Bakit ka ba isip ng isip at tanong ng tanong?” Napag-isipan ko sa katanungan, “Bakit ako binigyan ng pag-iisip?” Siguro para tumahimik ako, Pinag-aral ako sa paaralan. “Tuwing taas ko ng aking kamay para magtanong. Sabi ng guro, makulit daw ako. Sa kakulitan ko pinagbigyan akong magtanong. Ito ang naging katanugnan ko; “Bakit ako nandito sa paaralan kung tatahimik lamang?” Ang sagot naman ang aking guro, “Kasi ang mga tanong mo, is not covered in my lesson plan.” Napa-apostrophe’ tuloy ako to strike the pose in predicating with the complementary adjectives while clustering my clauses on how to pronounce my thoughts in first person singular; “Oh, I forgot, this is English Grammar and Composition class. Why naman, do I need a lesson in English, when I don’t have an English Gramma’ tapos dito sa Philippines kapag I speak in English to my kapwa they will tawa at me, if not, they will isip that I am mayabang?” Since then, nawalan na akong interest sa mga structures. Kaya hindi ako naging Architect. No bells and whistles for my little chores Edelle Marie Teshiba Tulfo
Posted on: Fri, 25 Oct 2013 15:35:14 +0000
Trending Topics
Recently Viewed Topics
© 2015