"Venom of Love" Part 4 “I’m home!” sigaw ni Rania na - TopicsExpress



          

"Venom of Love" Part 4 “I’m home!” sigaw ni Rania na nagpalingon ng kanyang pamilya na abala sa paglilinis ng kanilang bakuran. Patakbong sinalubong s’ya ng kanyang mga kapatid. Pulos sila babae at ang papa lang n’ya ang lalaki sa kanilang tahanan. Binayaran n’ya ang driver ng dyip at nagsimula na itong hakutin ang kanyang mga bagahe papasok sa kanilang bahay. ” Hindi ka agad namin nakilala ate.” Natatawang sabi ni Gracey ang kanilang bunso. Hindi agad nakahuma ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ina sa pagkabigla. Pero nakita n’ya ang tuwa sa mga mukha nito. Lihim s’yang nagu-guilty dahil walang malay ang mga ito na inuna n’yang binigyan ng katuparan ang weirdo n’yang pangarap kaysa ang pag-uwi agad sa kanila. Ano kaya ang maging reaksyon ng mga ito kapag malaman ang nagawa n’ya? Ngayon pa lang n’ya na-realize ang totoong consequences ng kanyang ginawa. Hindi bale babawi na lang s’ya. Kung kakailangang i-extend n’ya ang bakasyon, gagawin n’ya maibsan lang ang guilt na nadarama. Napaluha ang kanyang ina sa muli nilang pagkikita. Bakas sa mukha ng lahat ang kasiyahan at excitement. Limang taon din siyang nawalay sa mga ito. “Ate, lalo kang pumuti.” Buong paghangang wika ng kanyang kapatid na si Khara pagkatapos siya nitong yakapin.Graduating ito ng higschool at malaking bulas. Sa kanilang apat ito yata ang pinaka-mataas. Pulos sila magaganda ayon sa kanilang mga kapitbahay. Ang sunod sa kanyang si Charme ay graduate na ng engineering at ang pang-apat na si Gracy ay graduating ng elementarya. Si Gracy at Charmel ang parehong matatalino. Pareho itong First Honor mula pa nursery. Siya naman at si Khara ay hindi matawag na bobo dahil palagi naman silang nakakuha ng medalya hindi nga lang first at pareho din silang mahilig sa mga extra curricular activities. Sa physical na anyo naman magkapreho s’ya at si Gracy dahil parehong maputi ang kanilang balat na nakuha nila sa ama at si Khara at Charmel ang parehong morena na nakuha naman sa kanilang ina. “Ikaw na bata ka hindi ka man lang nagpasabing uuwi ka. Baka masyado kang nahirapan sa mga dala-dala mo. Bawal pa naman sa iyo ang pagbubuhat ng mabibigat.” Wika ng kanyang ina habang naghahanda ito ng maiinom. May ear infection s’ya noon at pinagbawalan s’ya ng doctor na iwasan ang pagbubuhat ng mabibigat kasi ito ang naging dahilan kung bakit sumasakit ang kanyang tainga. Pero palagay n’ya matagal ng magaling ang kanyang tainga. “Oo nga. Lagi ka na lang nangso-sorpresa. Hindi ko tuloy naipagmayabang na darating ka.” birong sabat ng kanyang ama na dito naman n’ya nakuha ang kakengkoyan. ” Heh tumahimik ka d’yan Teodoro. Mula ng mabili iyang sasakyan Rania naku iyang ama mo parang si Don Sebastian na malaki ang tiyan. Pakape-kape na lang at pautos-utos na sa akin.” Sumbong ng kanyang ina na tinawanan lang ng kanyang ama. ” Naku walang ganyanan Mareng Elvy. Nagtratrabaho naman ako. Saka bago pa tayo nagka-sasakyan umiinom na ako ng kape at minsan ikaw naman ang nang-uutos sa akin.” Sagot ng kanyang ama. Nagkatawanan silang magkapatid. Guro sa pampublikong paaralan ang kanyang ina at karpintero naman ang kanyang ama. Jack of all trades ito. Marunong magmaneho ng halos lahat na sasakyang panglupa at may alam rin ito sa kuryente. Madalas itong kunin ng mga taga-barangay para ipagawa ang kanilang mga bahay. ” Ano ba ang gusto mong kainin anak?” tanong ng kanyang ina habang binuksan ang refrigerator. ” Kung may isda at bagoong swak na sa akin iyan ma.” Sagot n’ya habang isa-isang binuksan ang supot na may lamang mga goodies. Naisip n’ya mamaya na bubuksan ang kanyang mga pasalubong para sa pamilya. Nagsidatingan ang kanilang mga malalapit na kamag-anakan. Kaydali talagang nalaman ng mga ito na dumating na s’ya. Before she knew it nagkaingay na sa kanilang bahay. Yakap doon kumustahan dito. Isa ito sa na mi-miss n’ya sa kanilang bahay ang ingay. Parang musika na iyon sa kanyang pandinig. Kinabukasan linibot n’ya ang kanilang baryo. Binisita ang ilan sa kanyang mga kaibigan at dating mga kaklase. Walang masydong nabago sa kanilang munting baryo. Naroon pa rin ang mga kaibigan n’yang tambay. Subali’t mas dumami na ang mga bahay, tindahan ng sari-sari at maliliit na karenderya. Nang umalis s’ya iilan lamang ang bahay na gawa sa semento kabilang na ang sa kanila pero ngayon halos lahat ay konkreto na. Nagagandahan din ang mga tanim sa paligid. Halos lahat ng bahay sa kanilang baryo ay may malaking bakuran na natatamnan ng iba’t-ibang halaman at gulay. May mga bagong mukha s’yang nakikita. Kinumusta n’ya ang mga dating kapit-bahay. ” Naku Rania lalo kang gumanda. ” wika ni Aling Tinay na dating tagatinda ng bibingka sa canteen ng kanilang paaralan. Halos lahat ng komento ay tungkol sa kanyang lalong pagganda at pagputi. ” Kailan ka ba mag-aasawa? Marami ng mga kamag-aral mo ang nagsisipag-asawa na at nagsisipag-anak.” sabi naman ng dati n’yang guro na nakatungkod na. “Hay naku po wala pa akong napikot na puti. Saka na lang.” Tugon n’ya at nagpa-alam na didiretso na s’ya. Limitado ang kanyang mga araw at gusto n’yang bisitahin ang buong baryo at pupunta pa s’ya sa bayan. Nagpunta rin s’ya sa mga karatig-baryo. Pag-uwi n’ya ng bahay sinabihan n’ya ang kanyang pamilya tungkol sa gagawin nilang bakasyon sa Dakak Beach Resort kahit mga tatlong araw. Tuwang-tuwa ang kanyang mga kapatid. ” Ate much money ka ha kasi afford mo na ang Dakak.” Si Charmel habang sinimulan ang pag-eempake ng mga damit na dadalhin nila sa Dakak. ” Rania baka mahal masydao ang Dakak pwede naman tayo dito lang.” May pag-alala sa boses ng kanyang ina. Masyado itong matipid. At kung minsay naiirita s’ya sa sobrang katipiran ng kanyang ina. Pero proud din s’ya dahil sa pag-iimpok nito nagkaroon sila ng bahay na hindi man kalakihan na kung ikumpara sa karamihan ng kanilang mga kapit-bahay maituring ng maganda sa kanilang baryo. Nagtitiis rin naman ang mga magulang n’ya para mabigyan silang magkakapatid ng komportableng buhay. Ngumiti s’ya bago sumagot. ” Naku mama wala ka yatang trust sa akin. I can afford noh basta ba hindi aabot sa 50,000 pesos ang gagastuhin natin doon.” Sinabayan n’ya ng kindat. Sabay na napatingin ang mga ito sa kanya at nakanganga. Ang ama n’yang nakikinig lang habang naka-upo sa rocking chair hawak ang tasa ng kape muntik ng mabilaukan. ” Ate sweldo na ni mama iyan for 3 months.” Ani Gracy ang kanilang bunso. ” At isang buwang sweldo ko iyan. Pero kailangan nating magrelax paminsan-minsan. Saka world-class resort iyang pupuntahan natin.” Ginulo n’ya ang buhok ng kapatid. Ensaktong alas kuwatro dumating sila sa Dakak. Dalawang cottage ang kanyang kinuha upang magkasolo naman ang kanyang mga magulang. At s’ya at ang kanyang tatlong kapatid ang magkasama sa cottage na katabi ng sa mga magulang. Nagtatakbuhan agad ang kanyang mga kapatid patungo sa isa sa mga swimming pools matapos makapag- unpack. Nakaswimsuit na ang tatlo at pati na rin s’ya. Sinundan n’ya ang mga ito at ilang minuto sumunod na rin ang kanyang mga magulang. Nagkatuwaan na sila sa pool. May dala s’yang life vest dahil hindi s’ya marunong lumangoy at ganoon din ang tatlo n’yang mga kapatid. Malimit silang makantyawan ng mga pinsan noon. Pero ewan n’ya kahit paanong pagtuturo ang ginawa ng kanyang mga magulang at ibang pinsan hindi talaga s’ya natutong lumangoy pati na rin ang kanyang mga kapatid. “Khara malalim na d’yan balik ka rito.” tawag ng kanyang ama kay Khara na papunta sa malalim na bahagi ng pool. Pinagtawanan ito ng kanilang bunso na si Gracy at sinabing, ” kasi gusto n’yang magpasikat na marunong s’yang lumangoy para papansinin ng kanyang crush.” at ininguso nito ang lalaking nagbabasa ng dyaryo habang nakahiga sa hammock na ilang metro lang ang layu sa pool. Naka-sunglasses ito ay medyo nakatagilid. Likod lang nito ang kanilang nakita. Subalit sa bulto nito mukhang may dugong bughaw . Mas maputi ito kaysa karaniwang pinoy. Marahil isa sa mga dayuhan na nagbakasyon sa resort. Palibhasa world class naman ang naturang resort. Minsan nga itong pinuntahan ng Ms. Universe delegates noong 1990′s. Dakak – a place gifted with exotic white beaches with world class amenities. Sariwa ang hangin at laging may handang ngiti ang mga empleyado maliban sa pawang magaganda at gwapo ang mga ito. Kung pagkain ang pag- uusapan hindi rin ito pahuhuli. Mula sa sariwang seafoods hanggang sa mga masustans’yang inumin gaya ng buko juice at mango juice ay hindi mo kayang ayawan. Kung ito ang maging tirahan mo hindi ka magsasawa. The place was like a paradise sorrounded by white sand. “Hey Gracy hindi totoo iyan!” naiinis na sigaw ni Khara. Nagsimula na ang pagbabangayan ng dalawa nang sumagot naman ang bunso, “Anong hindi, sinabi mo kanina na pogi yata ang lalaking nasa duyan. Bleh palusot ka pa.” Lagi silang na-a-amuse kapag si Gracy na at Khara ang mag-aaway. Walang gustong magpatalo at dala marahil ng sharp mind ni Gracy madali itong makakaisip ng rebuttal na ikakapikon ni Khara. Mas matanda si Khara ng apat na taon kaysa kay Gracy pero malimit ito ang matatalo sa argumento. ” Eh kung sinabi ko iyon, ibig sabihin ba agad crush ko na ha?!” nakapamaywang na si Khara at handa ng lusubin ang bunsong kapatid. ” Aha at bakit ka nagpapansin? Obvious naman na crush mo kasi sabi mo pogi at lahat ng pogi crush mo!” akto ng lapitan ni Khara si Gracy at hinarangan ito ng ina. “Tama na iyan Khara. Wala ng magsalita sa inyong dalawa na makakapikon sa isa.” Walang nagawa si Khara kundi ang lumapit sa ama at pinanlakihan ng mata ang bunsong kapatid na itinawa lang nito. Nagkibit balikat si Rania sabay saboy ng tubig kay Charmel. Nakisali na rin si Khara at Gracy. At hagikgikan na ang mga ito. Maya-maya pa ay masaya na silang naglalaro sa pool. Natigil lang ng may ibang guests na nagdaratingan sa kanilang kinaroroonan. Lihim na tinapunan uli ng tingin ni Rania ang duyan na kung saan nakahiga ang itinurong crush ni Khara. Ngunit wala na doon ang lalaki. Hindi n’ya maintindihan bakit bigla s’yang kinabahan mula ng ituro ni Gracy ang lalaki sa duyan na likod lang ang kanilang nakita . Dapit-hapon nang naglakad-lakad s’ya sa dalampasigan habang pinanood ang paglubog ng araw. Kayganda nang paligid. The sea was calm while it’s wave gently kissed the white sand. The air was fresh that she wanted to inhale it all. Napakalinis ng paligid at sobrang nakaka-relax sa kanyang nerves. Ito ang pangalawa n’yang punta sa lugar na ito. May kalayuan ito ng konti sa city proper. Pero dahil sa ganda nito at sa pang world-class amenities talagang dinayu ito ng local at foreign guests. Mapalad s’ya at nadala n’ya ang kanyang pamilya rito dahil hindi maikakailang may kamahalan ito para sa mga ordinaryong mamayan. Pero hindi bale sa mga dayuhang may pera. Para sa kanya her family deserved it. Kung malaki-laki lang ang naiipon n’ya dadalhin pa n’ya ito sa ibang resort gaya ng mga beaches sa Boracay. Pero saka na lang iyon. Nag-iipon rin kasi s’ya at balak na magtayo ng munting negosyo sa edad na trenta. Hindi naman pwedeng habang-buhay na lang s’yang mangibang-bansa kahit pa nga kalakihan ang kita. Kahit ang kanyang pamilya lagi n’ya itong pinaaalahanan na hindi biro ang magtrabaho sa ibang bansa. Litrato lang ang sobrang ganda na animo ay walang problema ang mga taong naka-pose doon. Kasi alangan naman kung magpapa-picture ka sa plaza sa Canada at sisimangot ka. S’yempre panay ang ngiti na hanggang tainga. Tapos ipapadala sa pamilya at makita ng mga kamag-anak sabihin agad na ang ganda ng buhay ng mga naroon. Totoo ngang maganda pero hindi perpekto at kung nakarating s’ya doon malaki ang sakripisyong ginawa n’ya. Natigil s’ya sa pagmuni-muni nang nakarinig s’ya ng mga yabag sa kanyang likuran. Lumingon s’ya at muntik ng mabangga ang nagjo-jogging na lalaki. “Woops my bad. I’m sorry!” wika nito na tinaas ang dalawang kamay at humihingal na huminto. Nagulat s’ya ng tingnan ang bisig nito na suot ang relong iyon! Tumaas ang kanyang paningin sa mukha ng lalaki at napanganga s’ya ng masigurong ito si Adam Cartallejo na judge sa sinalihan n’yang Ms. Gay! Paanong nakarating ito sa Mindanao? Kilala kaya s’ya nito? Bakit nakangiti ito sa kanya ngayon at lumukso naman ang daga sa kanyang dibdib? ” I’m Adam Cartallejo by the way.” Inilahad nito ang kamay. Inabot naman n’ya ito na pinigil ang kaba.” I- Rania Morelos” sagot n’ya pero muntik na n’yang sabihing I know your name. Nakangiti pa rin ito at bahagyang pinisil ang kanyang kamay bago ito pinakawalan. ” Nice meeting you. See you around.” Kumindat pa ito bago nagpatuloy sa pag-jojogging. Kahit medyo madilim na naaninag n’ya ng husto ngayon ang mukha nito dahil na rin sa liwanag ng buwan at sa mga ilaw sa paligid ng resort. Tumutulo ang singot nito pero wala itong masamang amoy. And goodness, He was hot! Bumalik s’ya sa kanilang cottage na swabe pa rin ang kaba sa kanyang dibdib. Konsolasyon na lamang n’ya mukhang hindi naman s’ya nito kilala. Sunod-sunod na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan para pawiin ang kaba. Naiinis s’ya sa sarili kung bakit ikinatakot n’ya na nandito si Adam. Marahil kasama nito si Bumby. Kayrami naman yatang magagandang lugar para puntahan nito na malapit lang sa Luzon bakit dito pa napiling magpunta at nataon pang nandito s’ya at ang kanyang buong pamilya. Lloydrhek m/
Posted on: Thu, 15 Aug 2013 08:30:41 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015