[WB: Raph7] Lucy’s POV “NO, Raph, tell me this is a joke!” - TopicsExpress



          

[WB: Raph7] Lucy’s POV “NO, Raph, tell me this is a joke!” paulit-ulit na sigaw ko kay Raph paakyat pa lang kami sa elevator papunta sa floor ng condo ko. Sa ibaba pa lang ay marami nang taong nag-aabang ng balita tungkol sa pagnanakaw na naganap. “Lucy---“ Hindi pa niya nasasabi ng buo ang gusto niyang sabihin ay napatili na agad ako pagkakitang nakabukas ang pinto ng condo ko. “Look, Raph, I hired a maid thief! Or a thief maid... or whatever that suits her! Ah!” mabagal na pumasok ako sa condo ko. Limas ang laman niyon, pati ang mga figurines na sa ibang bansa ko pa binili ay wala rin. “Bakit hindi na lang iyang sofa ang kinuha niya? Ten thousand lang yan. Yang LCD TV, wala pang 50 thousand yan, bakit ang mga figurines ko pa?” kulang na lang ay maglupasay ako. Literal na nanlaki ang mga mata ko pagkakitang walang kalaman-laman ang closets ko, “no, no, no! She stole everything!” may ilan sa mga damit doon na ako mismo ang nag-design at siguro akong kaisa-isa lang sa mundo. “I’m going to die!” “Hmm?” tinignan lang ako ni Raph na parang isang Mentos lang naman ang nawala sa akin. “No, Raph, you can’t do this to me,” mangiyak-iyak na pakli ko sa kanya kasabay ng pagmamaktol. Lumikha ng tunog ang heels ko sa tiles na sahig. “I’m going to find her, kakalbuhin ko siya!” desididong sabi ko. Nagmartsa ako palabas pero pinigilan niya ako. “Let me go, I’ll find her.” “No, Lucy, hayaan mo na ang mga awtoridad na gumawa nito,” sabi niya sa akin saka iminuwestra ang mga pulis na naghahanap ng finger prints sa mga naiwang bagay sa loob ng condo. “Stupid people! For sure wala silang magagawa!” sigaw ko. Wala akong pakialam kung naririnig man nila ako, basta ang akin lang ay masabi ko ang nasa loob ko. Napaupo ako sa sofa saka isinubsob ang mukha ko sa mga kamay ko, “I spent my whole life collecting those items,” mahinang sabi ko na ang sarili ko lang din naman ang kinakausap. “Kuya Ruel would be so happy.” “Lucy, it’s okay. Ang mabuti, walang nangyaring masama sa inyo, okay?” “Pero ang mga gamit ko!” tumayo ako saka nagmartsa palabas ng condo. “Set aside, idiot,” tinignan ko mula ulo hanggang paa ang isang babaeng halatang nakikiusyoso lang naman. “Saan ka naman pupunta ngayon?” humabol sa akin si Raph. “Bibili ng mga gamit na ipapanakaw na naman sa mga mapagsamantalang chimay!” sagot ko at ikinumpas ang isang kamay. “Teka lang,” hinawakan niya ako sa kamay. Eksaktong bumuka ang mga labi niya para magsalita ay siya namang pagtunog ng cellphone niya sa bulsa. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa cellphone niya at sa akin. “Hmm?” napataas ang kilay ko sa kanya. Tignan nga natin kung ano ang una niyang aasikasuhin, ako ba o ang cellphone niya? “One minute,” nagtaas siya ng isang daliri saka hinugot ang cellphone niya pero hindi pa rin ako binibitawan. “Hello? Saka na, oo, mamaya na ba yun? Akala ko sa isang araw pa? What?! Sheez!” Nakita kong tuliro ang ekspresyon ng mukha niya. “15 seconds left.” “Wait, Eph,” binaba niya ang cellphone niya saka humarap sa akin, “extension, one minute,” paanas na sabi niya bago na naman niya pinuwesto sa tenga niya, “sige, sige, gagawan ko yan ng paraan.” “I’m going!” hinila ko ang kamay ko sa kanya at nagmartsa papunta sa elevator. “Wait!---No, not you, Eph! Bye---oh, not you, Lucy! Lucy!” naguguluhang tawag niya sa akin. “Bye!” mapang-asar na kumaway pa ako sa kanya saka pinindot ang close button ng elevator. Hindi na siya nakahabol pa. Naglalakad na ako papunta sa kotse ko nang makita kong humahangos na lumabas ng fire exit si Raph. “Huh,” dali-dali akong sumakay sa kotse ko at ni-lock iyon. “Lucy, hey, wait, open the door,” kinalampag ni Raph ang bintana ng kotse ko. “Mukha mo,” kumindat pa ako sa kanya bago nagmaniobra paalis doon. Nakita ko pa sa rear view mirror na napasabunot si Raph sa sarili niya. Napatawa ako sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang alam ko alng, tuwang-tuwa ako kapag nahihirapan si Raph, o kahit na sinumang taong nasa paligid ko. Sa totoo lang, hindi naman ako bibili ng mga gamit ko. Susunduin ko na ng maaga si Alex. Ipapagkatiwala ko na muna siya kay Attorney Leighton Maniego. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko saka idinial ang number ni Attorney. “Fierre, napatawag ka?” salubong niya sa akin. “Attorney, itutuloy ko na po ang balak ko,” sabi ko sa kanya. “Kung iyan ang gusto mo.” Huminga ako ng malalim bago nagpaalam. Matagal na namin iyong napag-usapan ni Attorney na siya na muna ang mag-aalala kay Alex habang inaasikaso ko ang kasong isinasampa kina Fel at Greg. Pinagkakatiwalaan ko si Attorney Maniego, siya na ang abogado ng pamilya namin mula pa noong nabubuhay pa sina mommy at daddy. Mayroon na ring kasulatan na kapag patay na ako, siya na ang may karapatan sa custody ni Alex, lahat ng kayamanan ko na namana ko pa ay sa kanya na rin---yun ay kung mamamatay ako. Ang sabi naman ni Attorney ay ang anak niya sa probinsya ang titingin kay Alex at magkatulong naming aasikasuhin ang problemang kinakaharap ko ngayon. Sa totoo lang ay hindi ko pa nakikita ag anak ni Attorney pero malaki naman ang tiwala ko sa kanya. Walang mangyayari kung patuloy lang kami sa pagtatago ni Alex. Baka lumaking takot na takot at ilag sa tao si Alex, ayoko namang mangyari iyon sa pamangkin ko. Marami akong pangarap para sa kanya. Pinarada ko ang kotse ko sa parking lot ng school bago poise na poise na lumabas. Dumiretso ako sa kwarto nina Alex. Sumilip ako sa pinto. “Miss Garvida,” nakangiting lumapit sa akin ang guro ni Alex. “Miss Matheo,” walang bahid ng kaplastikang sabi ko rin sa kanya, “pwede bang i-excuse na lang si Alex? May importante lang kaming gagawin,” ngumiti pa ako ng pagkatamis-tamis. “Oh, I understand,” tumangu-tango siya bago tumingin sa buong klase, “Alex, you may now go.” “Thanks po,” nagpaalam na si Alex sa mga classmate niya bago sumama sa akin. Tumango muna ako kay Miss Matheo bago kami tuluyang umalis. “How’s your day?” pag-o-open up ko ng topic kay Alex. “It’s fine,” pinagbuksan ko siya ng pinto. Nang masigurong maayos na ang seatbelt niya ay saka naman na ako umikot at pumasok sa kotse. In-start ko iyon, “Alex, kay Attorney Maniego ka na muna, ha?” diretsahang sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya, “kasi doon, siguradong aalagaan ka nila. Huwag kang mag-alala, hindi ka naman tuluyang ipamimigay ni Tita, ipapaalaga na lang muna kita habang inaasikaso ko ang problema natin, ‘di ba, alam mo naman na kung ano iyon?” malambing na dugtong ko. Tumangu-tango siya pero may lungkot pa rin sa kanyang mga mata. “I understand.” “Thanks, Alex.” Dumiretso kami sa bahay nina Attorney. Naghihintay na siya sa labas nang dumating kami. “Pasok muna kayo,” yaya niya sa amin. Pinaunlakan namin iyon. “Attorney, please look after Alex. Ipapadala ko na lang ang mga gamit niya dito. Aayusin ko pa. Biglaan kasi ‘tong naging desisyon ko.” “Siyempre, hija, alam mo namang parang anak na rin kita dahil matalik kong kaibigan ang papa mo,” ngumiti pa siya. “Sisiguraduhin ko sa ‘yong aalagaan naming mabuti si Alex.” “Tita,” hinila ni Alex ang kamay ko, “take this, you need this more than I do,” nilagay niya sa kamay ko ang isang rosaryo. “Alex...” nausal ko. Tinitigan ko ang rosaryong hawak-hawak ko. “Binigay ‘yan ni Daddy sa akin noon,” yinakap pa niya ako. Huminga ako ng malalim at tumingin sa malayo, pakiramdam ko ay babagsak na anumang minuto ang luhang naiipon sa mga mata ko, “sige na, Alex, aalis na si Tita,” binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti at tinanguan na lang si Attorney. Pagkasakay ko ng kotse ay agad na bumagsak ang luha ko. Sana nga matapos na ito. Sana... para kay Alex.
Posted on: Fri, 09 Aug 2013 14:46:15 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015