#hampaslupa BALITANG PINAS... ....tumangging magbigay ng limos, - TopicsExpress



          

#hampaslupa BALITANG PINAS... ....tumangging magbigay ng limos, todas sa solvent boys Walang kamalay-malay ang isang 26-anyos na lalake na habang kumakain ng balut sa labas ng.kanyang pinagtatrabahuhang RTW.Surplus.Center ay aatakehin siya mula sa kanyang likuran ng isa sa tatlong ‘solvent boys’ na nakasagutan nito kahapon matapos na tumangging magbigay ng limos kahapon ng madaling-araw sa Paco, Maynila. Nabatid kaySPO1 Charles Duran ng Manila PoliceDistrict-Homicide Section(MPD-HS), dakong ala-1:45 ng madaling-araw nang makarinig ng kalabog sa roll-up na pintuan ng naturang surplus center sa Casa Pension Compound Pedro Gil St., sa may panulukan ng L. Quinto St., Paco, Maynila ang biktimang si Ramon Camotiao. Ang kalabog na ito ang nag-udyok sa biktimang tubong Imugan, Sta. Fe, Nueva Vizcaya, upang buksan ang pintuan at lumabas para tingnan kung saan nagmumula ang ingay na naririnig. Tumambad kay Camotiao ang isang batang lalake kasama ang buntis na ina nito na nanghihingi ng limang pisong limos na tinanggihan naman biktima at sa halip ay sinisi ang nanay ng bata na tinuturuan nito ang anak na manglimos at gumawa ng masama. Nauwi sa sagutan at palitan ng mga paninisi ang ginawang iyon ng biktima sa ina ng bata hanggang sa dumating na isang ‘solvent boy’ na si Joker, na kalaunan ay nagsama ng dalawa pang lalake at saka walang sabi-sabi na inundayan ng mga saksak sa katawan si Camotiao. Nagawa pang maisugod sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktima ngunit hindi na umabot ng buhay dahil sa dalawang saksak na tinamo nito sa dibdib at isa sa likuran.
Posted on: Thu, 26 Sep 2013 09:30:37 +0000

Trending Topics



v>
Today marks a year that I have been w my lovely gf, n even though
Im just a new wife under the roof of my husband, he has promised
#Farnborough Job: Field Sales - Rise Recruitment (UK) Ltd -
Technical divers retrieved yesterday three bodies from inside the
Im looking for positive and motivated women who want to work from

Recently Viewed Topics




© 2015