-sugar- Kung lalake ako Hindi ako magpapaasa ng babae. Hindi ko - TopicsExpress



          

-sugar- Kung lalake ako Hindi ako magpapaasa ng babae. Hindi ko ipaparamdam sakanyang importante siya unless may balak akong mahalin siya. Hindi ko hahayaang makasakit ng iba dahil sarili ko lang ang iniisip ko. Lagi akong magpapaalam sa girlfriend ko kung may lakad ako, at magiging tapat ako sakanya. Maaaring magandahan ako sa ibang babae, pero alam kong ang girlfriend ko ang pinakamaganda sakanilang lahat. Kung may ibang babae mang lumandi sakin, agad-agad kong sasabihing “Teka, taken na ako.” Kung hindi pa rin sila nagpapaawat, hahalikan ko mismo sa harap nila ang girlfriend ko (pero smack lang, wag torrid kasi nirerespeto ko pa rin siya). Lagi kong rerespetuhin ang babaeng mamahalin ko, pati ang pamilya’t mga kaibigan niya. Bibigyan ko ng oras ang girlfriend ko, kahit gaano pa ka-busy ang schedule ko. Araw-araw ko siyang liligawan. Kahit mag-asawa na kami (kung sakali magkatuluyan) Magiging layunin ko araw-araw ang panatilihin ang ngiti sa kanyang mga labi. Ako ang magiging dahilan kung bakit siya masaya lagi. :D Tuwing Linggo, o kahit Weekdays, basta may oras, sasamahan ko siya sa simbahan, at magdadasal kami (hindi lang para mahawakan ang kamay niya tuwing “Ama Namin”, pero kasama na yun hehehe) Iintindihin ko siya sa abot ng aking makakaya. Kung magkamali man siya, kakayanin kong patawarin siya, dahil alam kong gagawin ko rin ang lahat para hindi siya masaktan. Kung lalake ako, sisiguraduhin kong (kung hindi man perpekto) maging ALMOST perfect ang relasyon naming dalawa. :)
Posted on: Sun, 28 Jul 2013 00:36:43 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015