[ via @NUJP ] Apat na taon na po ang nakararaan. Wala pa rin - TopicsExpress



          

[ via @NUJP ] Apat na taon na po ang nakararaan. Wala pa rin pong hustisya. Patuloy pong nananawagan ang NUJP at iba pang mga organisasyong pangmidya na itigil na ang pagpatay sa mga mamamahayag at ihatid na sa lalong madaling panahon ang hustisya, hindi lang para sa mga biktima ng masaker sa Ampatuan, kundi pati sa iba pang mga mamamahayag na pinaslang. Dahil sa bawat mamamahayag na dinadahas at pinapatay, takot ang mamamayani sa kapwa-peryodistang tungkulin ang isiwalat ang katotohanan. Karapatan ng mamamayan sa impormasyon ang nasusupil. Mamamayan ang talo. Inaanyayahan namin kayong i-post at ibahagi ito sa inyong mga Facebook account mula ngayon hanggang sa Nob. 23, ang ika-apat na taon mula nang mangyari ang masaker. Gawin po sana natin ito, bilang panata na tayo ay hindi nakalilimot.
Posted on: Wed, 20 Nov 2013 00:51:04 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015