#08 Wildrose Balita!!! Midwife ginawang pulubi ng - TopicsExpress



          

#08 Wildrose Balita!!! Midwife ginawang pulubi ng textmate (Sherylmae Basilio) Gusgusin at tulala na ang isang 21-anyos midwifery student nang makita itong kasama ng kanyang ka-textmate matapos mawala nang may dalawang buwan sa isang kariderya sa Malate, Maynila kahapon. Mistulang nawala na sa sarili ang biktimang itinago sa pangalang Jam ng Tata­lon, Quezon City, nang makita ng kanyang mga kaanak sa San Antonio St., San Andres, Malate, Maynila, pasado alas-12:00 ng tanghali kahapon habang kasama ang ka-textmate umano nitong kinilalang si Milbert Roxa­s, 41, taga-Modesto St., Malate, Maynila. Nabatid na hindi na umuwi sa kanilang bahay ang biktima matapos makipag-eyeball sa suspek noong Hulyo 14. “Napakadungis niya nu’ng makita namin siya. Namamalimos daw siya. ‘Tapos, kapag nakaharap ‘yung lalake, hindi siya makapagsalita, parang natatakot,” ayon kay Bernardita Barjago, ina ng biktima. Nabatid pa sa ginang na bago nasagip ang biktima, noong Agosto 15, bandang alas-siyete ng gabi, nang makita umano ang biktima ng isa nilang kapitbahay na natutulog sa underpass ng Morayta St. sa Recto. Tinangka umano itong iuwi ng kanilang kapitbahay, na hindi na pinangalanan pero nang pasakay na sila sa jeep ay bigla itong hinablot at itinakbo ng isang may edad na lalake. “Kinaumagahan, Agosto 16, pumunta kami ng asawa ko dun. May mga dala kaming pictures. Tapos sabi sa akin nu’ng isang vendor ‘dun, nakikita nga raw nilang pakalat-kalat ang estudyante, tapos pinupukpok pa raw sa paa kapag ayaw maglakad,” ayon pa sa ina ng biktima. Natapos ang kalbaryo ng biktima makaraang makita siya ng pinsan nitong security guard na siyang humingi ng tulong kay Punong Barangay Renato Mendoza ng Bgy. 723 Zone 79 pagkatapos nang halos isang linggong pagsu-surveillance sa lugar. abante-tonite/issue/sep1513/crime_story02.htm
Posted on: Sat, 14 Sep 2013 23:17:03 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015