1,783 Pinoy pilgrims dumating sa Saudi Septyembre 22 , - TopicsExpress



          

1,783 Pinoy pilgrims dumating sa Saudi Septyembre 22 , 2013 Abante News Dumagsa na ang mga Pinoy pilgrims sa Saudi Arabia para sa Haj ngayong taon, ayon sa Philippine Consulate officials sa Kingdom. Ayon kay Consulate Administrative Officer Vice Consul R.J. Sumague, ang dumating na mga Pinoy pilgrims na umabot sa 1,783 ay kabilang sa unang batch at madadagdagan pa dahil inaasahang aabot sa 5,000 Filipino pilgrims ang kalahok sa Haj. Ang dumating na mga Pinoy pilgrims ay magsisilbing advance supervisory team para masiguro ang maayos na pilgrimage ng mga Filipino-Muslim. Sinalubong naman ni Consul General Uriel Norman Garibay ang mga pilgrims kasabay ang pag-asang magiging ligtas at matagumpay ang Haj. “May Allah make all your dreams and wishes come true. Haj Mubarak,” bahagi ng mensahe ni Garibay. OFW FANATIC
Posted on: Sun, 22 Sep 2013 10:24:35 +0000

Trending Topics



Dhera Football Clothing [Jersey Bola Murah] BARU MASUK JERSEY
Monday, 29 September 2014 MANIFESTING AUTHORITY OVERVIEW
Salam Briliant !! Ada kabar terbaru ni... *Tikus Tanpa Bulu Simpan

Recently Viewed Topics




© 2015