10 Pinay na iligtas sa human trafficker sa Malaysia by Johnny - TopicsExpress



          

10 Pinay na iligtas sa human trafficker sa Malaysia by Johnny Arasga Jun 26, 2013 10:59am HKT 10 Pinay na iligtas sa human trafficker sa Malaysia NASAGIP mula sa kamay ng isang human trafficker na Chinese-Malaysian ang 10 Pinay sa Kuala Lumpur, Malaysia. Na-rescue sa isinagawang raid ng pinagsanib na puwersa ng Malaysian police at Immigration authorities ang 10 Pinay na pansamatalang hindi pinangalanang sa kamay ng suspek sa Sarawak, Malaysia. Kasabay ng pag-rescue sa mga Pinay, inaresto rin ang suspek. Sa naging salaysay ng mga biktima, ni-recruit umano sila na magtrabaho bilang mga service crew sa isang karaoke bar sa Sarawak, ngunit nang dumating sila doon, ginawa silang mga guest relation officers (GRO) at pinagtatrabaho nang walang pahinga at walang sahod. Noong Hunyo 13, isang concerned Malaysian citizen ang nagpadala ng email sa embahada ng Pilipinas sa Malaysia at ibinulgar ang kaawa-awang sitwasyon ng mga Pinay kaya’t naisagawa ang raid at na-rescue ang mga ito. Napag-alaman na noong Pebrero 6 nitong taon lamang dumating sa Malaysia ang mga Pinay. ~crystal~
Posted on: Wed, 26 Jun 2013 06:57:46 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015