10 klase ng KAIBIGAN: Marami ka bang kaibigan? Merong 10 uri ng - TopicsExpress



          

10 klase ng KAIBIGAN: Marami ka bang kaibigan? Merong 10 uri ng kaibigan na naaayon sa kanilang kilos, pag-uugali at pakikisalamuha.. Bahala na kyu kung asan sila dyan.. Hehehe… 10. Kaibigang Artificial - Eto ang mga taong tinatawag na “Plastik”. Sila ay kasing kunat ng plastik cover ng long brown envelop. Sila ang iyong mga kaibigan pag nakaharap lang at pag nakatalikod ay wala nang pakialam. ...marami nyan sa daan maya makasalubong nyu na .. 9. Kaibigang Talangka - Eto ang uri ng kaibigan na may pag iisip na “Crab Mentality”. Sing liit ng crab ang utak nila kung magiisip sa kapwa. Sila ang mga no.1 fan mo, at sila rin ang no.1 na magbaba sayo. Sila ang kaibigan na ayaw mahigitan o ayaw kang sumikat. Natatakot silang mapagiwanan. Gusto nila kung saan ka magaling ay magaling din sila. Hindi sila nagpapahuli maliit man o malaking bagay yan. kung merun kang kaibigan na ganito.. matakot ka na.. . . 8. The Parasites - Sila ang kaibigan na may linyang “kapit sa matatag” Sing tibay nila ang Buldog super glue kung dumikit. Ikaw ang positive at sila ang negative. Kung sa sentence sila ang independent clause. Sila ang kaibigang lalapit sa oras ng gipitan, magiging malambing kung kinakailangan at mambobola. Hindi sila mabubuhay pag wala ang tulong mo. Magiging kaibigan mo sila sa mga oras ng pagkakaipit. Pag nakuha na nila ang kailangan nila ay mawawala na sila. kung baga sa dota kapit ka sa matatag para manalo. 7. Bodyguards - Eto naman ang uri ng kaibigan na laging bumubuntot sayo. Mas matibay pa sya kay robin kung dumikit kay batman. Sila ang kaibigan na namimili ng pakikisamahan. Gusto nila ay ang mga gwapo, siga, astig, mayaman at sikat. Naisip nila na pag nakisama sila ay magiging “cool” na rin sila. Galing noh. Cool… 6. Ka-i-bi-gan - Sila ang kaibigang daig pa si Romeo manligaw kay Juliet.Hindi nila hanap na maging kaibigan ka, kundi mas matindi pa dun. Sila ang mga dakilang manliligaw. Sila ang iyong kaibigan na may malalim na pagtingin sayo. Kaibigan muna tapos alam na darating tayu sa ganyan.. marami sating ganito…sure ako dyan.. .rofl. 5. The Mushrooms - Eto ang uri ng kaibigang na may ugali na parang kabute.Sing tigas ng mukha nila ang bakal at hindi sila tintablan ng kalawang.Sila ang mga kabigang nagpapakita pag may birthday, binyag, kasal, swimming, outing at kung anu- anu pa mang espesyal na okasyon. Magugulat ka na lang at tatawag sila sayo at magtatanong kung pwedeng sumama sa mga lakad mo ng “libre!” ninja tong mga tohsa bilis kumilos.. .rofl. 4. The Traitors - Sila ang kaibigang nang-iiwan ng kaibigan. Daig pa nila si terminator na mag terminate ng kaibigan. Sila ang mga kaibigan sa iyong mga paningin. Sila ang mga kaibigan mo pero hindi ka nila kaibigan. haha sarap pagkukutusan ng mga ganito…rofl. 3. Brothers/Sisters - Sila ang kaibigang itinuturing mo na parang kapatid dahil napamahal na siya sa iyo. Sila ang mga kaibigang nakakatanda sayo at mapag kukuhanan mo nang matinong payo. Hindi ka rin bibiguin nito pag dating sa kalokohan. sarap sa pakiramdam ng may ganitong kaibigan.. parang magaan sa feeling… 2. Golden Friends - Eto ang uri ng kaibigan na sobrang tagal nyo na magkakilala. Sila ung lumipas at lumipas ang panahon ay hindi ka kinalimutan at nanatili mo pa rin silang kaibigan. Sila ang lubusan mong mapapagkatiwalaan at kilalang-kilala ka na. 1. Tunay na Kaibigan - At last. Sila ang kaibigan na pinakarare sa lahat. Daig pa nila si spiderman kung tumulong sa iyo. Sila ang kaibigan na kahit nakatalikod ka man at walang nakatingin ay kaibigan mo pa rin. Sila ang kaibigang hindi nakakalimot kahit tumanda na kayo. Sila ang nag-aangat sa oras na bumabagsak ka at sila rin ang nagpapasaya sa oras na malungkot ka. sa may ganitong kaibigan naku wag napakawalan.. kung ako sa inyo itago nyu na sa bulsa... Alam mo kung san ka dto?
Posted on: Sat, 05 Oct 2013 21:28:11 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015