10 yrs!!! kanina ko lang nakita ulit ang aming nanay Lody :) at - TopicsExpress



          

10 yrs!!! kanina ko lang nakita ulit ang aming nanay Lody :) at nahuli ako sa balita...xa na pala ang principal ngayon sa SMI..kanina napaka-odd ng feeling..parang kelan lang..isa lang akong simpleng estudyante na pumapasok on time (hehe) na may bagpack na bumibili ng pagkain sa secret canteen at mahilig sa lala candy at excited umuwi pagsapit ng 4:30 except kung ako ay cleaner.. nakakatuwa makita sina nanay Lody, mam Pangilinan (English teacher ko noong 1st yr, mam Mendoza at Mam Musa.. Thank u po at nakabalik ako sa SMI knowing na proud kayo sa amin ng aking kaibigang si Fritzie..utang po namin lahat ng kung ano man kami ngayon sa institusyong ito.. Thank u rin po at nabigyan kami ng chance na ipagawa kami ng tarp..malaking karangalan po ito para sa amin..na minsan isang panahon ay naging tahanan po namin ang SMI.. Maraming salamat po!!
Posted on: Thu, 29 Aug 2013 09:26:46 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015