108 OFWs KANDIDATO SA BITAY Ni Dindo Matining: Mahigit sa 108 - TopicsExpress



          

108 OFWs KANDIDATO SA BITAY Ni Dindo Matining: Mahigit sa 108 overseas Filipino workers (OFWs) ang kasalukuyang nasa death row sa anim na bansa, kung saan 69 dito ay nasa China na naghihintay na lamang ng kanilang “execution”. Ito ang nabunyag sa budget hearing ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Senado kahapon kung saan nabunyag din na mahigit 3,732 OFWs ang nakakulong sa 53 bansa sa kasalukuyan. Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, sa nasabing bilang ng mga nakapiit ng OFWs, 2,236 dito ang nakapiit sa Malaysia na karamihan ay mga undocumented allies. Sumunod ang China (kasama ang Hong Kong at Macau) na may 345 Pinoy na nakakulong, kasunod ng Saudi Arabia (277), USA (208), Italy (97), United Arab Emirates (75), Kuwait (72), Japan (59), Peru (37) at Qatar (34). Sa OFWs na nakakulong, karamihan ay mga “immigration-related” cases (2,236). Ang iba naman ay nahaharap sa kasong drug trafficking na umabot sa 646 na kaso. May kaso rin ng theft (297), murder at homicide (114), fraud (105). Dahil sa pagtaas ng bilang ng mga nakakulong na OFWs sa ibang bansa, isinusulong ni Recto ang pagpapalakas ng “Assistance-to-National Fund”. Sa ilalim ng panukalang 2014 budget ng DFA, nais ni Recto na gawing P300 milyon ang pondo nito mula sa dating P150 milyon. creator.-))
Posted on: Tue, 10 Sep 2013 02:00:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015