15-anyos na Norwegian, biktima ng rape sa resort sa Ilocos - TopicsExpress



          

15-anyos na Norwegian, biktima ng rape sa resort sa Ilocos Norte Written by Bombo Laoag Published in Latest News Monday, 08 July 2013 12:35 LAOAG CITY - Inilipat na sa ibang resort ang isang menor de edad na Norwegian national matapos gahasain umano ng isang waiter sa Playa Tropical Resort sa Currimao, Ilocos Norte. Ayon kay C/Insp Ryan Retotar, chief of police ng Currimao, habang isinasagawa ang imbestigasyon ay ninais ng 15-snyos na biktima at ang kanyang ama na lumipat sa ibang resort sa bayan din ng Currimao. Sinabi ni Retotar na base sa salaysay ng biktima, pasado alas-11:00 ng gabi habang nagpapahangin sa isang kubo-kubo malapit sa resort nang lapitan ng hindi pinangalanang waiter ng resort. Habang nagkukuwentuhan umano ay nagparamdam ng pagnanais ang waiter dahil sa ginawang paghaplos sa dalagita. Matapos ang ilang minuto ay lumipat ang dalawa sa cafeteria ng resort at doon umano ginahasa ng waiter ang biktimang dayuhan. Wala namang kamalay-malay ang ama ng biktima na natutulog sa inupahang kuwarto. Sinabi ni Retotar na isinuko ng administrasyon ng Playa Tropical Resort ang suspek sa PNP matapos mabunyag ang nangyari. Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.
Posted on: Mon, 08 Jul 2013 12:26:07 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015