163 na mga pulis sa region 12 nagtapos sa Special-Counter - TopicsExpress



          

163 na mga pulis sa region 12 nagtapos sa Special-Counter Insurgency Operations Unit Training Nagtapos na sa PNP Modified Special-Counter Insurgency Operations Unit o SCOUT training ang 163 na mga pulis mula sa iba’t ibang police units sa rehiyon. Ayon pa kay PNP 12 Information Division Chief, Senior Inspector Benjamin Mauricio Jr. ang graduation ceremony para sa Class 34-2013 “Bakal” sa nabanggit na pagsasanay ay isinagawa sa PNP 12 Regional Headquarters sa General Santos City kamakalawa. Ipinaliwanag ni Mauricio na maliban sa pakikihalubilo sa mga komunidad, saklaw ng apatnaput limang araw na SCOUT traing ang pagbibigay ng first aid training, rope courses, immediate action drills, seaborne at water tactics, terrain modelling, close quarter battle, at survival course sa mga pulis . Kaugnay nito pinalalahanan naman ni PNP 12, Regional Directorate Staff, Chief, Superintendent Randolf Delfin ang mga pulis na nagtapos sa SCOUT training na ang isang kampeyon ay nagiging kampeyon hindi dahil sa panalo nito sa isang kumpetisyon, kungdi dahil na rin sa mahabang panahon na inilaan para mapaghandaan ang kanilang laban. Binigyan diin ni Delfin na tungkulin din ng mga pulis na palawakin pa ang kanilang mga kaalaman para lalo pang mapabuti ang paglilingkod sa sambayanan. Bilang patunay ng kanilang pagtatapos ang mga pulis na sumailalim sa SCOUT training ay sinabitan din ng PNP SCOUT pin. #NDBC
Posted on: Fri, 30 Aug 2013 00:56:12 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015