183 pa ang hawak na hostages ng MNLF - AFP Written by Bombo Analy - TopicsExpress



          

183 pa ang hawak na hostages ng MNLF - AFP Written by Bombo Analy Soberano Published in Top Stories Monday, 16 September 2013 08:56 ZAMBOANGA CITY - Bagamat pinaniniwalaang hindi na bababa sa 100 mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang tinutugis ngayon ng mga tropa ng gobyerno na nanakop sa syudad ng Zamboanga, tinatayang nasa 183 pang mga inosenteng sibilyan ang nananatili sa mga rebelde. Ayon kay AFP PIO chief Lt. Col. Demy Zagala, apat na grupo ang positibong nasa Barangay Sta Barbara at parehong may mga hawak na hostages. Sinabi ni Zagala na batay sa kanilang nakuhang impormasyon at datos umaabot sa 20 hostages ang hawak ni MNLF commander Misuari faction Habier Malik sa Brgy Sta. Barbara, 87 hostages ang hawak ni Ener Misuari, nasa 20 hostages naman kay Usong Uggong at hindi naman mabilang sa panig ni Asamin Hussin. Sa Barangay Sta Catalina nasa 36 hostages ang hawak ng grupo ni Tadsna Ismael. Inihayag din ng Army official na pitong hostages ang pinalaya, 14 ang nakatakas habang anim ang narescue. Nasa 51 na mga MNLF Misuari faction ang naiulat na namatay, siyam ang sugatan habang 48 ang naaresto ng mga otoridad. Sa kabilang dako, lalo pang pinag-ingat ng militar ang kanilang operasyon laban sa mga MNLF dahil sa bilang ng mga hostages na kanilang hawak pa sa ngayon. Una nang sinabi ni Zagala na ang inilunsad na calibrated military operation ay upang matiyak na walang sibilyan ang madamay sa sagupaan. Samantala, muling inihayag ng crisis management committe na mananatiling walang pasok sa mga paaralan at mga opisina. Subalit hinikayat naman ni Zamboanga Mayor Beng Climaco ang mga negosyante na magbukas na ng kanilang mga tindahan partikular yaong malayo sa conflict areas.
Posted on: Mon, 16 Sep 2013 04:29:38 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics



^_^

© 2015