2 PAMBIHIRANG LOVE STORY: TAYLOR MORRIS-DANIELLE KELLY – High - TopicsExpress



          

2 PAMBIHIRANG LOVE STORY: TAYLOR MORRIS-DANIELLE KELLY – High school sweethearts sila. Kapwa taga-Iowa. Mahal nila ang isa’t isa at nangakong walang makapaghihiwalay sa kanila. Noong 2007 nagsama sila nang tuluyan. Maligayang-maligaya ang dalawa. Nag-training sa Navy si Taylor at pagkaraan ng ilang taong pagsasanay na-enlist siya bilang explosive ordinance disposal technician at may ranggong Petty Officer 2nd Class. Permanente siyang na-assigned sa Explosive Ordnance Disposal Unit 12. Ipinasya nilang manirahan sa Virginia Beach, Virginia. Sumunod na taon, na-deployed sa Afghanistan si Taylor. Hanggang sa mangyari ang malagim na pangyayaring iyon. Habang nasa Afghanistan, natapakan niya ang improvised explosive device. Dahil doon, naputulan ng mga paa (mula tuhod) at mga kamay si Taylor. Subalit ang malagim na pangyayari ay hindi nakapagpabago sa kanilang matamis na pagmamahalan. Nagpatuloy ang kanilang pambihirang pag-iibigan. Tinulungan ni Danielle si Taylor na makabangon at maging positibo. Laging nakaalalay si Danielle sa asawa. Pinapasan niya ito at pinapasyal sa dalampasigan. Sobrang mahal nila ang isa’t isa at walang makapaghihiwalay sa kanila. =CREATOR M=
Posted on: Tue, 03 Sep 2013 21:28:27 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015