2. Siya ang Allâh! ‘Lâ i-lâ-ha il-lâ Huwa’ – walang - TopicsExpress



          

2. Siya ang Allâh! ‘Lâ i-lâ-ha il-lâ Huwa’ – walang sinuman ang ‘Ilâh’ (Diyos na sinasamba) o bukod-tangi na may karapatan at karapat-dapat na sambahin kundi Siya, Al-Hayyul-Qayyum: ‘Al-Hayy’ – ang Walang-Hanggang Buhay, nasa Kanya ang buong kahulugan ng pagkabuhay na angkop na angkop sa kanyang Kamaharlikaan. ‘Al-Qayyum’ – na Siya ay Tagapagtaguyod, Taga-pagkaloob at Tagapangalaga sa lahat ng bagay. 3. Ipinahayag Niya sa iyo, O Muhammad, ang Banal na Qur’ân nang buong katotohanan at walang pag-aalinlangan na ang nasa loob nito ay nagpapatotoo sa mga naunang Aklat at sa mga Sugo. At ipinahayag Niya ang ‘Tawrah’ (Torah) kay Mousã (as) at ang ‘Injeel’ (Ebanghelyo) kay `Îsã (Hesus as) bago ang pagkakapahayag ng Qur’ân, bilang patnubay sa mga may takot sa Allâh tungo sa tamang pananampalataya, at pagtutuwid sa kanilang ‘Deen’ at sa kanilang pamumuhay. At Kanyang ipinahayag ang pamantayan sa pagitan ng katotohanan at kamalian. 4. Katotohanan, ang mga yaong hindi naniwala sa ipinahayag na mga talata ng Allâh, ang para sa kanila ay masidhing kaparusahan. At ang Allâh ay ‘`Azeez’ – Siya ay Kataas-taasan at Punung-puno ng Karangalan na Ganap na Makapangyarihan sa lahat na walang sinuman ang makahihigit sa Kanya, na Siya ang maghihiganti sa sinumang tumanggi sa Kanyang mga matibay na katibayan at palatandaan, at sa Kanyang pagiging bukod-tangi na karapat-dapat na sambahin. Surah Ali Imraan
Posted on: Tue, 20 Aug 2013 02:51:19 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015