20130720.0630 A female visitor asked the spirit of Ama for help - TopicsExpress



          

20130720.0630 A female visitor asked the spirit of Ama for help regarding the money she lost through a scheme. The transcription is at aristean.org/transcript434.htm and its audio at aristean.org/d13b-pah12.mp3 . Ama: Sige, magtanong ka. Bisita: Yaon nga pong tungkol sa aking problemang napakalaki. Ano po ba, hindi ko naman po hinahangad na makuha pa yaong pera. Kung makukuha’y lalo pong salamat. Ang gusto ko lang maano, kung yaong mga taong nilalapitan ko sa ngayon o yaong mga tao nila, dapat kong layuan. Sa kanila po kaya, ano rin. Baka may mga kasapakat. Hindi ko naman po binibintang sila. Baka may kasapakat din po sa kanila ang nangyari sa akin. Ama: All right. Yaon ang iyong itinatanong? Kapag Ako’y nagsabi sa iyo ng isang bagay tungkol sa tinatanong mong iyan, eh nangangahulugang Ako’y maninira ng isang tao. At ayaw Ko iyan. Kapag sinabi Ko sa iyong may kasapakat doon ang mga taong iyan, lilitaw at sinabi Kong dapat mong layuan, lalabag Ako sa Aking kautusan. Ibigin mo ang iyong kapwa-tao nang para ng pag-ibig mo sa iyong sarili. Ang hindi magpatawad ay hindi magkakamit ng kapatawaran. Samakatwid, ito’y kontra. Ngayon, ang Aking sagot ay ganito: Hindi na iyan magbabalik at mag-ingat ka. All right. Iyan ang masasabi Ko. Iyan ang Aking maitutugon diyan. Ngayon, kung talaga naman, talagang-talaga, ito sasagutin na kita ng diretso, kung ang gusto mo naman talaga eh negosyo, magtinda ka ng pagkain at iyong ang (?) mo. Bisita: Yaon nga po talaga ang nakaplano roon. Nawala nga po. Ama: All right. Bisita: Talagang yaon ho ang nakaano roon. Ama: Ngayon, hindi naman yaong plorete(?) ang ititinda mo, Ineng. Ang ititinda mo ... Bisita: Yaon nga po pupuhunanin. Sinama na po roon ang pupuhunanin at nang tumubo ng kaunti, nasama pa sa nawala. Ama: Talagang ganoon. Bisita: Hindi naman po talaga ano. Gusto kong talaga ... May panuntunan na po doon? Ama: Sabihin mo sa iyong sariling ikaw ay nalugi at ang sagot diyan ay ganito: ‘Nalugi mang katikbi, muli kang magbiyahe.’ Anita Perez: Parang lumagay lang, Ama, eh yaon eh nilagay niyang kuwan ... Ama: Ganyan lang naman ang ... Anita: Parang binili mo lang ang puwesto. Ganoon. Ama: Kunwari’y bumili ka ng puwesto. Basta’t sasabihin ko lang sa iyo, mga anak, hayaan mo na. At sapagkat ganito ang sistema eh, eh magagalit ka sa Akin pero Ako ay talagang nasa sa katotohanan lang ang Aking mga sagot.
Posted on: Fri, 19 Jul 2013 21:25:24 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015