24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST Issued At: 5:00 a.m., 28 October - TopicsExpress



          

24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST Issued At: 5:00 a.m., 28 October 2013 Valid Beginning: 5:00 a.m. today until 5:00 a.m. tomorrow Forecast in Filipino Ang Palawan at Mindanao ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang Metro Manila at ang mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley at Kabikulan ay makararanas ng bahagyang maulap na kalangitan na may pulu-pulong mahinang pag-ulan. Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi. Katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na hangin mula sa hilagang-silangan ang iiral sa Hilaga at Gitnang Luzon at ang mga baybaying dagat nito ay magiging katamtaman hanggang sa kung minsan ay maalon. Sa ibang dako, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman mula sa hilagang-silangan hanggang hilagang-kanluran na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan. -DOST PAGASA
Posted on: Mon, 28 Oct 2013 01:14:31 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015