27 Ang kakaiba lamang ngayon, ang pangulo tila yata umaayon, sa - TopicsExpress



          

27 Ang kakaiba lamang ngayon, ang pangulo tila yata umaayon, sa mga dapat gagawin upang umahon, laban sa kawatang mandarambong. 28 Hindi mangyayari itong katarantaduhan, kung ang bawat Pilipino ay may kaalaman, marunong mag-isip ng mainam, at lumalahok sa pambansang kalagayan. 29 Hindi tahimik lang at walang pakialam, yan ang sakit mo aking kaibigan, hindi pwedeng ang mga mabuting lider lang, walang mangyayari kung di natin tutulungan. 30 Bigyan ng bisig ang mga pamunuan, na nagmamahal ng tunay sa mamamayan, kailangan alam nila na tayo ay sa katarungan, at nakikilahok at hindi patingin tingin lang. 31 Kung tayo ay walang pakialam, wala tayong karapatan sa katarungan, dahil ang mga buwaya ay hinahayaan lang, ng buong mamamayan sa kanilang kahayupan. 32 Nakawan ng nakawan marami pang lihim na hindi kailanman masisilip naniniwala ba kayo ganito lang kaitim ang budhi ng mga buwayang mapang angkin? 33 Anong ginagawa nating lahat, kaysa tayo ay magnakawan sa kalsada, o magutom ng dilat ang mga mata, panagutin ang mga buwaya, lumaban ka! 34 Anong ginagawa nating lahat, ano nga ba? Mag martsa doon sa EDSA o sa Luneta? Kung hindi tayo lalaban ng sagadan na, ang lulukluk pa rin ay ang mga buwaya! 35 Sa halalan kunin mo ang pera iboto wag sila, dalin ang mga cp na may camera, Pilipinong masa irekord ang anomalya, ikalat ang mga hayop sa social media.
Posted on: Sat, 07 Sep 2013 10:26:19 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015