3 Minahal ni Bestfriend : Memories part 4 (SPECIAL) “Sagutin - TopicsExpress



          

3 Minahal ni Bestfriend : Memories part 4 (SPECIAL) “Sagutin mo…. Please… Sagutin mo…”, sabi ko sa sarili ko. Nang makailang ring naman ay may sumagot na sa kabilang linya. Agad na tumulo ang luha ko ng marinig ang boses sa kabilang linya. “Hello…?” “Hello….?’, mahinang usal ko. “Oh, Ryan, napatawag ka?”, pagsagot ng boses sa kabilang linya. Si Karen. “Kailangan ko lang ng kausap.” “Ganun ba. Oh sige, mag cr lang ako. Tatawagan kita.” Maya maya ay tumawag na agad si Karen. “Hello Karen?” “Oh, may problema ba?”, alalang tanong ni Karen. “Naka alis na sya.”, malungkot kong tugon. “Oh, eh bat malungkot ka… Diba yan naman ang gusto mo…?”, alalang tanong nya muli. “Oo. Ito nga.. Pero.” “Hay nako, Ryan… Naiintindihan naman kita, eh.. Kaso… honestly, ha.. Tanga ka din ihh. Sorry, pero tanga ka talaga. Wala akong maisip na mas magandang term. Kasi.. wala, tanga talaga.” “Oo na. Alam ko naman eh…” “Hay ikaw talaga friend… So, bat ka nga napatawag. Huwag mo sabihin na magfafavor ka na icheck ko kung nakauwi ba sya ng maayos? Sampalin kita!” “Eh… ganun na nga.. please?” “Hay nako, ikaw talaga. Oh sya! Wait lang! Tatawagan kita ulit. Tawagan ko lang.” Maya maya ay nagring na rin agad ang telepono ko. Agad ko itong sinagot. “Hello?”, mabilis kong sagot. “Ambilis lang sumagot, ha!”, biro ni Karen. “Oh, natawagan mo ba?” “Oo, natawagan ko na. Naka-uwi na daw sya kani-kanina lang.” “Huh? Kani-kanina lang? Eh kaninang umaga pa sya umalis, ha.” “Ah, may dinaanan daw sya. Nang itanong ko naman, kumain dawn g fishball ba yun..? Weird nga, eh.” Nalungkot ako sa narinig ko. Alam ko na ang ibig sabihin kung bat sya natagalan. Nagdaan muna sya sa park kung saan una kaming nagkakilala “talaga”. “Huy, andyan ka pa ba?”, tanong ni Karen. “Oo, andito pa. Salamat Karen, ha… Salamat.” “Anytime, friend….”, malungkot na tugon ni Karen. Binaba ko na ang telepono. Muling tumulo ang luha ko. Ngunit tama si Karen, ito naman talaga ang plano at gusto ko, diba? At tsaka andito na to. Hindi ko sya pinigilan. Kailangan ko harapin ang consequences ng desisyon kong ito. Nagpakaduwag ako eh. Nagpakatanga. Kasalanan ko rin. Nabasa ang unan ko kakaiyak noong gabing yun. Ito nanaman ako, binabali ang pangakong ginawa sa asrili. Ang pangakong hindi ko na sila iisipin at iiyakan. Pero paano ko paninindigan yun kung ganto ang mga nangyari. Na sat wing lilimot na ako ay sadyang sila mismo ang muling magpaparamdam at magpapaalala…? Kinabukasan, nagising pa din ako ng maaga kahit pa hindi masyado nakatulog ng maayos dahil sa pagiyak ko kagabi. Pero bagong araw na ito. Kailangang magpatuloy ng buhay. Malungkot man, ay nagpakatapang ako para sa sarili. Agad akong tumayo at nagluto ng almusal para sa aming mag-anak. Agad din akong nag-ayos para sa pagpasok ko sa trabaho sa palengke. “Aba, nagluto ka ngayon.”, biro ng Itay pagkalabas ng kwarto nila. “Good Morning po, Itay, Inay.”, nahihiya kong tugon dahil sa pagbabara ng Itay. “Oh, sya, kumain na tayo ng maka-alis tayo ng maaga. Mahaba pa ang lalakarin natin.”, malumanay na tugon ng Inay. Sabay sabay nga kaming kumain at umalis ng bahay. Maganda ang araw nay un. Kahit hindi pa lumilitaw ang araw ay halata mo nang maganda ang araw dahil na rin walang ulap sa kalikasan. Katamtaman na rin ang ihip ng hangin. Tapos na talaga ang bagyo. Naghiwalay na kami ng daan ng aking magulang at nagtungo na ako sa pwesto kung saan ako nagtratrabaho. Bagong araw na ito para sa akin, yan ang nasa isip ko. Sa pagpunta ko sa trabaho ay iniisip ko na ang panibagong daang tatahakin ko. Wala na si Larc, wala na ring Andre. “Magandang umaga po!”, batik o kay Mang Ramon, ang amo ng papaukan ko. “Oh, hijo. An gaga mo pa din tulad dati. Kaya naman hindi kita matanggihan, eh!”,nakangiting bati rin sakin ni Mang Ramon.
Posted on: Thu, 20 Jun 2013 08:16:49 +0000

Trending Topics



opic-708460965861563">ma149b7d MOTOROLA RLN5707 NiMH 600mAh-Battery b55ajjc i32x97buj
এই মাত্র পাওয়া খবর

Recently Viewed Topics




© 2015