30 mangingisdang nasawi, ililibing sa mass grave Posted by Bombo - TopicsExpress



          

30 mangingisdang nasawi, ililibing sa mass grave Posted by Bombo Iloilo Posted in Top Stories Sunday, 10 November 2013 13:24 ILOILO CITY - Nagdesisyon na lamang si Estancia Mayor Rene Cordero na ilibing sa mass grave ang bangkay ng 30 mangingisda na binawian ng buhay sa Estancia, Iloilo, dahil sa pananalasa ng supertyphoon Yolanda. Nagpahukay na ang alkalde ng mass grave sa backhoe para sama-sama na lang ilibing ang labi ng mga mangingisda na karamihan ay nagmula sa Masbate. Ang mga bangkay ay tinabunan ng kumot kanina habang nasa fishing port ng Estancia, Iloilo, kung saan wala ring pamilya na nakipag-ugnayan dahil marahil wala ring alam ang mga ito. Nananatiling isolated ang bayan ng Estancia at iba pang bayan sa Northern Iloilo at walang contact sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council at Department of Social Welfare and Development kung saan ang Bombo Radyo lang ang unang nakakumpirma ng balita sa 30 mangingisda na patay mula sa alkalde ng bayan ng Estancia. Kaninang umaga, kinumpirma naman ni Iloilo Vice Gov. Raul Buboy Tupas na nagkaroon na ng oil spill sa Estancia matapos bumangga sa pier ang power barge dahil sa malakas na alon. Kaagad na ring nagsagawa ng preventive measure ang Philippine Coast Guard para hindi na kumalat pa ang oil spill. Umabot na rin sa 60 ang bilang ng patay sa lalawigan ng Iloilo kung saan pinakahuli sa dumagdag ang missing sa Brgy. Sigangaw, Zarraga na nagngangalang Jovy Tingson na natagpuan na kanina ang bangkay. Pinangangambahan naman na tataas pa ang death toll dahil marami pa ang mga lugar sa Northern Iloilo lalo na ang mga island barangays na hindi pa napasok ng mga otoridad. Sa ngayon ay nakaalis na ang walong truck ng Iloilo Provincial government lulan ang mga relief goods patungo sa Northern Iloilo at ang patrol craft ng Philippine Navy patungo sa mga island barangays sa Northern Iloilo. Inuulan naman ng tawag ang Bombo Radyo mula sa kaanak ng mga nasa Northern Iloilo na nagtatanong sa sitwasyon sa kanilang lugar dahil hanggang sa ngayon, mahirap pa rin ang komunikasyon at transportasyon sa mga lugar na hinagupit ng supertyphoon.
Posted on: Sun, 10 Nov 2013 08:40:04 +0000

Trending Topics



I MAY NOT BE SAVVY WITH FOREIGN RELATIONS,
KARA by Kara Ross Deco Stick Necklace and Cast Stingray, Coral
Director: Prashant Issar Producer: Radhika Sawhney DOP: Kartik
Truyện Dài Kỳ: Ôsin Của Anh - Hạ Kiều Ân Vừa
Ok kids here is the scoop. This Sunday (tomorrow) is double day
Be First Before 1 Million People, Free or Paid make Tens of
Things here is Wy our going so good . I miss Ben and boys a lot
ኮብልስቶንን በመጠቀም የመንገድ ስራ
These days you see Northerners complaining how GEJ has

Recently Viewed Topics




© 2015