3rd Party. May Third Party ang GF/BF mo: Mapapansin mong laging - TopicsExpress



          

3rd Party. May Third Party ang GF/BF mo: Mapapansin mong laging may katext Kapag may tumatawag at magkasama kayo, ika-cancel niya tapos sasabihing “Wala yun.” “Ah, nangungulit na barkada.” Ang mga rason niya, walang pangalan na binabanggit. Panay common noun, walang Proper noun. LELS Laging walang oras sayo. Kung meron man, saglit lang tapos aalis na siya. Parang may iba pang pupuntahan. Nakakalimutan ang Monthsary/Anniversary ninyo. Minsan nalilito. Minsan iba ang tawag sayo. Hindi yung usual na tawagan ninyo. Para yatang may iba… Ikaw ang 3rd Party: May kahati ka lagi. Sa oras, sa katawan, sa isip, sa load, kahit sa effort Alam mong hindi lang ikaw ang sinasabihan niya ng “I love you.” Hindi siya andyan lagi para sayo kasi minsan, andon siya kay number 1 Number 2 ka lang e. Kumbaga, reserba. Kabit. Tss. Hindi ka pa ba nasasaktan? Itigil mo na yan. Kung mahal ka talaga ng lalake/babae, hindi niya hahayaang may kahati ka. Maging wais ka naman. Hindi ka laruan, hindi ka poste na walang nararamdaman. Bakit pa nga ba nauso ang 3rd party? May maganda bang naidudulot ito? Hindi ba’t mas maganda sa pakiramdam yung kayong dalawa lang talaga ng mahal mo ang nagmamahalan? Kung kabit ka, sayo nga yung babae/lalake, may kahati ka naman. Sasaya ka ba sa lagay na yan? ^hapi wife^
Posted on: Fri, 16 Aug 2013 03:49:37 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015