3rd Privelege Speech of Coun. IRENE DEL ROSARIO 18th Regular - TopicsExpress



          

3rd Privelege Speech of Coun. IRENE DEL ROSARIO 18th Regular Session CSJDM, Bulacan Resignation as Chairman of Committee on Transportation. Ang inyong lingkod ay pinalad na mapabilang sa Sangguniang Panlungsod. Ako ay naniniwala na ang pulitika dapat ay pag panahon lang ng halalan pagkatapos nito dapat ay mabuting pamamahala na ang ating ipinapakita at basehan sa pagganap sa ating tungkulin. Bagamat ako ay hindi kaanib ng Team Key Magiting, tumugon ako sa panawagan ng ating Punong Lungsod Reynaldo San Pedro na kalimutan muna ang pulitika at magkaisa para sa kapakanan ng ating bayan. Sinikap kong makiisa sa administrasyon ngunit sa unang araw pa lang ng Session ay nabigo ako na makita sa aking mga kasamahan ang sinasabing pagkakaisa ng mayorya at minorya. Sa pagpili pa lang ng komite ay namayani na ang pribilehiyo ng mayorya. Ang lahat ng komite na may ganansyang politikal ay napunta sa mayorya mula sa tserman hanggang sa mga miyembro nito. Ang Committee ng Transportation and Communication ay isa sa pinakamahirap at masalimout na komite sabi nga nila sapagkat ito daw ay mahirap hawakan dahil sa napakaraming problema na kinakaharap nito. Pangalawa masasakripisyo daw ang inyong “POLITICAL CAREER” sapagkat kung talagang tatrabahuhin mo daw ito at paninindigan ang mga desisyon na iyong gagawin ay siguradong laging may isang kampo na magagalit sa iyo at maaaring di ka makakuha ng suporta sa mga organisasyon na ito sa darating na halalan. Alam natin na sa miyembro ng mayorya ay walang gustong kumuha ng posisyon na ito kaya ang isa natin na kasama na si Kon. Janet Reyes na isa sa nasusunod sa pagpili ng Komite ang syang nagnominate sa inyong lingkod na pamunuan ito. Tinanggap natin ang hamon na pamunuan ang komiteng ito sa kabila ng alam natin na tayo ay susuot dito sa butas ng karayom dahil sa paniniwalang kasama natin ito sa ating sinumpaang tungkulin. Sa kauna-unahang pagkakataon ngayon lang ito pinamunuan ng isang babae. Sa kabila ng ang nais sana nating maging KOMITE kung tayo ang masusunod ay ang COMMITTEE ON HEALTH AT WOMEN AND SOCIAL SERVICES sapagkat ito ay komiteng pinaniniwalaan ko na mas may malaki akong maiiambag at dapat gawin. Subalit bilang miyembro ng minorya wala tayong pribilehiyo na mamili na hahawakan nating COMMITTEE. Sa aking kapasidad sa pagiging Pinuno ng Lupon ng Transportasyon hinangad ko agad na mabigyan ng solusyon ang gabundok na mga usapin na naabutan ng inyong lingkod; mga problema at suliranin na hindi nalutas ng mga nakaraang pamunuan ng komiteng ito. Mga problema na nakita kong taon ng nakasalang sa komite subalit hindi natugunan ng aksyon. Linggo pa lang ang nakalipas matapos na ako ay maitalaga noong Hulyo 16, 2013, aking itinakda ang Transportation Summit at inanyayahan ang sector ng bus, tricycle at jeep. Layunin ng summit na ito na alamin ang hinaing at problemang kinakaharap ng sector na ito. Dito ay inilatag din ng komite ang mga sumusunod: kasalukuyang sitwasyon ng transportsyon sa ating lungsod, ang kapakanan ng mananakay, ang mga problemang nakikita na sagabal sa pagkakaroon ng maayos na transportasyon sa ating mga kababayan at ang VISION AT MISSION ng komiteng ito upang makatulong sa paglalahad ng komprehensibong “transportation code” na angkop sa kasalukuyang katayuan ng lungsod. Sinabi rin ng komite na ang lahat ng usapin na nasa aming komite ay sosolusyunan ng naaayon sa batas, walang palakasan at higit sa lahat ay walang bahid ng pulitika. Pagkatapos ng summit na ito ay daglian na umaksyon ang inyong lingkod, inaral natin ang traffic at administrative code at nakita natin na marami sa mga usapin na kinakaharap ng komite ay hindi madaling maaaksyunan sapagkat mismong ang magiging gabay natin sa pag-aksyon ay medyo taliwas at lihis na sa kasalukuyang kalagayan ng transportation system sa ating lungsod. Daglian po tayong bumalangkas ng mga ORDINANSA, una na dito ay ang “AN ORDINANCE DECLARING MORATORIUM ON THE ISSUANCE OF TRICYCLE FRANCHISE FOR HIRE IN THE CITY OF SAN JOSE DEL MONTE” ang ordinansang ito ay inindorso sa Lupon ng mga Batas, Panuntunan at Ordinansa noong Hulyo 29, 2013. Ito ang ating inuna sapagkat alam natin na malaki ang maitutulong nito para sa komprehensibong pag-sasaayos ng pag-aamyenda ng Traffic Code at dahil base sa pag-aaral ng Lupon ay maraming mga usapin sa Lupon ng Transportasyon na hindi maaksyunan ng maayos at hangarin ng Lupon na sa pag-iisyu ng mga bagong prangkisa at pagtatakda ng mga bagong SONA ay dapat naaayon na sa bagong amyendang Traffic Code ng Lungsod; pangalawa ay ang “DRAFT ORDINANCE REGULATING THE OPERATIONS OF MOTORIZED TRICYCLES AND THE ISSUANCE OF TRICYCLE FRANCHISES IN THE CSJDM, TO BE KNOWN AS THE SAN JOSE DEL MONTE TRICYCLE ORDINANCE OF 2013, pangatlo, ay AN ORDINANCE CREATING THE CSJDM Public Order , Safety and Traffic Management Office 3. AN ORDINANCE CREATING THE CSJDM ADJUDICATION BOARD. Daglian po nating inatasan ang ating mga staff na pumunta sa Marikina at Quezon City upang mangalap ng mga datus na makakatulong sa komite para sa pagsasa-ayos ng mga batas na ito. Hiniling din ng komite sa ating Punong LUNGSOD na sa pamamagitan ng EXECUTIVE ORDER ay bumuo ng Technical Working Committe, Technical Working Group at Secretariat upang mas maging komprehensibo ang pag-amyenda sa Traffic Code at Administrative Code ng ating lungsod. Pagkatapos po nito ay muli po tayong humarap sa sector ng tricycle kasama ang kanilang mga pamunuan at doon ay ipinaliwanag at binigyan natin sila ng sipi para sa kanilang mga komento at opinion, Ang lahat ng pamunuan ng tricycle sa pamamagitan ng manipesto ay sumuporta sa adhikain at mga panukala ng komite. Hinarap din po natin muli ang pamunuan ng sector ng jeepney upang kunin ang kanilang mga komento. Ang binuo pong Technical Working Group at Secretariat ay 2 beses ng nagpupulong upang talakayin ang mga raw data at ang buong konteksto ng pag-aamyenda bago ito iharap sa Technical Working Committee. At dahil iniisip ng komite ang kahalagahan ng oras at panahon itinakda ang 60 araw para tapusin ang draft ammendments. Ang lahat ng ito ay ginawa natin sa loob lang ng apat na buwang nakakalipas ng ating pag-upo bilang isang Konsehal at bilang Tserman ng Lupon ng Transportasyon. Ang pag-aamyenda ng “Traffic Code “ ay hindi lingid kay Konsehal Janet Reyes, sa unang araw pa lang ng kanyang pagdinig sa Moratorium ay batid niya na na ang committee at ang tanggapan ng Punong Lungsod ay magkasama at nagtutulungan sa usaping ito. Ang bumubuo din ng City Tricycle at Franchising Board na pinapangunahan ng ating Pangalawang Punong Lungsod ay nagpasa ng isang resolusyon na pansamantala munang isantabi ang pag-iisyu ng mga prangkisa at karagdagang sona. Sa unang pagdinig na kanyang ginawa marami ang nagbigay ng opinyon na kinakilangan at napapanahon ang pagkakaroon ng Moratorium at base na rin sa mga inisyung Circular ng DOTC at Sangguniang Panglalawigan. Batid din ng inyong Lingkod na si konsehala Janet ay nagtakda din ng meeting kasama ang mga pamunuan ng Toda at sa pulong na ito bilang Proponent ng isang ordinansa nararapat lang na dapat kami ay paaanyayahan upang aming masaksihan ang pagdinig ng kanyang Lupon subalit kami ay hindi inanyayahan nito. Ako po ay naniniwala na ako ay hindi magiging EPEKTIBO bilang Tserman ng Transportasyon kung ako ay hindi susuportahan ng aking mga kasama sa konseho at ng kasalukuyang EHEKUTIBO. Hindi ko ito magagawa lahat sapagkat may mga proseso na dapat pagdaanan ang lahat ng ating panukala. Sa ginawa ng Komite ng Rules ito ay malinaw na paglabag sa Code of Ethics , sa kabila ng alam nya na mayroon ng ginagawang marubdob na pag-aaral sa “Traffic Code Ammendments “ ay nagawa niya pa rin na mag file ng sarili niyang ordinansa tungkol sa traffic code at kasabay din sana ng kanyang pagbabasura sa aming ipinasang ordinansa sa MORATORIUM na siya rin ang may kapangyarihan na magapprove. Kung kaya’t nais ko pong ipabatid sa sector ng transportasyon ang aking pagbibitiw bilang tserman ng Lupon ng transportasyon, dahil sa nakikita ko na ano mang panukala ang aking gawin ay hindi maaprubahan ng konsehong ito hindi dahil sa laman at kahalagahan ng ordinansang aking ipinasa, kundi dahil ako bilang isang myembro ng minorya ay nag-akda ng batas at hindi sila. Sa aking mga kasama sa komite, kay konsehal igna Aguirre na sa kabila ng kanyang kalagayan ay tinanggap ang aking alok na maging pangalawang taga-pangulo ng komite, kay kon joey abela, kay kon rechie robes at kay kon agapito na tinanggap ang pagiging miyembro ng komite ito, sa inyo po maraming salamat na hindi nyo kinatakutan ang epekto ng komiteng ito sa inyong political career katapat ang isang matapang at maayos na paglilingkod sa ating mga kababayan. Sa aking mga kababayan bilang isang lingkod na inyong inihalal patuloy nating tatayuan ang lahat ng usapin na patungkol sa kapakanan at sa kabutihan ng lahat at hindi po upang proteksyunan ang anumang uri ng pulitika sa loob at labas ng konsehong ito. Asahan po ninyo na hindi po ako bibitiw para sa kapakanan ng ating mga kababayan at para sa isang mabuting pamamahala ng ating pamahalaan. Councilor IRENE B. DEL ROSARIO
Posted on: Wed, 04 Dec 2013 01:47:46 +0000

Trending Topics



una especie de comunión y, cuando hacíamos el

Recently Viewed Topics




© 2015