71 bangkay na sa Cebu tragedy Pumalo na sa 71 bangkay ang - TopicsExpress



          

71 bangkay na sa Cebu tragedy Pumalo na sa 71 bangkay ang narerekober mula sa lumubog na MV Thomas Aquinas habang 49 na lamang ang nawawalang biktima ng trahedya sa Cebu, ayon sa pinakahuling ulat kahapon ng Philippine Coast Guard (PCG). Ipinagpatuloy naman ang ginagawang pagsisid ng mga technical divers ng PCG, Navy at isang pribadong grupo upang maiahon lahat ang mga na-trap na bangkay sa loob ng barko. Ayon kay Lt. Commander Noel Escalona, operations officer ng Naval Forces-Central, inaasahang makakapag-ahon pa ng ilang bangkay sa susunod na mga oras. Aniya, kung patuloy ang pagganda ng panahon ay magbibigay ito ng mas kalmadong sitwasyon sa dagat, magandang pagkakataon para mapasok lahat ang kaloob-looban ng barko kung saan pinaniniwalang dito na-trap ang mga nawawala pang mga pasahero. Matatandaan na noong gabi ng Biyernes, binangga ng MV Sulpicio Express Siete ang “roll-on, roll-off” sa karagatang sakop ng Talisay City. abante.ph/issue/aug2213/vismin01.htm#.UhVD453nY5s
Posted on: Wed, 21 Aug 2013 22:50:06 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015