800 inilikas sa oil spill (JB Salarzon) (Abante) - TopicsExpress



          

800 inilikas sa oil spill (JB Salarzon) (Abante) Umaabot na sa 800-katao o 231 pamilya na naninirahan sa malapit sa aplaya kung saan kontaminado ng bunker fuel na tumagas mula sa isang barge o barkong may karga ng langis ang inilikas sa Barangay Botongon sa Estancia, Iloilo kahapon ng umaga. Batay sa report ng lokal na pamahalaan ng Department of Health (DOH), umaabot sa 16.9 parts per million (ppm) ng benzen chemical ang tumagas mula sa bunker fuel. Ang tumagas na langis ay nagdudulot ng matin­ding amoy sa kapaligiran na puwedeng magdulot ng hindi maganda sa kalusugan ng tao kung kaya isinagawa ang agarang pagpapalikas sa mga apek­tadong residente. Pero dahil hindi puwedeng lahat ay magsiksikan sa mga silid-aralan bukod sa kinukumpuni pa ang ilan sa mga ito ay nagbigay na lamang muna ng tent ang lokal na pamahalaan upang temporaryong may masilungan ang mga nagbakwet. ~crystal~
Posted on: Mon, 25 Nov 2013 09:06:22 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015