87. At katiyakan, ibinigay Namin kay Mousã ( Moises as) ang - TopicsExpress



          

87. At katiyakan, ibinigay Namin kay Mousã ( Moises as) ang ‘Tawrah,’ pagkatapos ay nagpadala Kami ng mga Sugo kasunod niya mula sa mga angkan ni Isrâ`il. At ipinagkaloob Namin kay `Îsã (Hesus as), na anak ni Maryam (Maria) ang mga himalang malilinaw na palatandaan at tinulungan siya ni anghel Jibrîl (Gabriel as) --- ang ‘Rûhul Qudus’ (Banal na Espiritu). Sa tuwing may dumating ba sa inyong Sugo na may dala-dalang kapahayagan mula sa Allâh na hindi sumasang-ayon sa inyong kagustuhan ay nagmamataas kayo, kung kaya, tinatanggihan ninyo ang ilan sa kanila at pinapatay ang iba? 88. At sinabi nila sa Propeta ng Allâh at Kanyang Sugong si Propeta Muhammad (saw): “Ang aming mga puso ay nakabalot na kaya’t hindi na tumatalab ang iyong salita.” Sa katunayan, mali ang kanilang pag-angkin, ang totoo ay isinumpa ng Allâh ang kanilang mga puso kaya ito ay nakasara na. Samakatuwid, malayo sila sa awa ng Allâh, dahil sa kanilang pagmamatigas at iilan lamang sa kanila ang naniwala. Al Baqarah
Posted on: Fri, 02 Aug 2013 08:03:09 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015