ABANTE NEWS: AUGUST 17, 2013 Hourly wage scheme sa Saudi - TopicsExpress



          

ABANTE NEWS: AUGUST 17, 2013 Hourly wage scheme sa Saudi pinaplantsa (Aries Cano) Maglulunsad ng bagong housemaid service kung saan papayagan ang mga house helper na pasasahurin kada oras sa kanilang pagseserbisyo. Ayon kay Saad Baddah, chairman ng National Commission for Recruitment ng Saudi government, tatawaging ‘raha’ ang bagong housemaid service na ito. Inaasahang matutugunan nito ang problemang kinakaharap ng mga pamilya sa pag-empleyo ng mga housemaid. Inaasahan din na ang bagong serbisyo ay magsisilbing solusyon sa disorganized recruitment ng housemaids sa Saudi. Hindi na rin umano kailangang maghintay ng matagal bago makakuha ng serbisyo ng domestic workers.
Posted on: Sat, 17 Aug 2013 05:36:05 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015