ABANTE NEWS: JULY 18, 2013 20 estudyante patay sa pakain ng - TopicsExpress



          

ABANTE NEWS: JULY 18, 2013 20 estudyante patay sa pakain ng iskul (AFP) PATNA, India --- Nasawi ang 20 estudyante matapos kumain ng libreng tanghalian na pinaniniwalaang may halong nakakalasong kemikal sa isang paaralan sa eastern India, ayon sa mga opisyal nitong Miyerkules, na nagbunsod ng protesta. Tatlumpung kabataan pa ang nananatiling ginagamot sa ospital matapos silang kumain ng tanghalian na niluto sa village primary school sa mahirap na lalawigan ng Bihar, ayon kay state education minister P.K. Shahi. “It is sad but true that 20 children died after eating their midday meal, which appears to be poisonous,” ani Shahi. Ang 20 kabataan, na lahat ay wala pang 10 taong gulang ay inilibing malapit sa iskul nitong Miyerkules ng umaga habang ang mga galit na galit na mga residente na armado ng tubo at sticks ay nagprotesta sa mga lansangan ng siyudad ng Chhapra. Pinagbabasag ng mga nagprotesta ang mga bintana ng school buses at iba pang sasakyan sa Chhapra, ang pangunahing siyudad ng Sarah district kung saan matatagpuan ang paaralan. Sa paunang imbestigasyon, ang sanhi umano ng pagkamatay ay maaaring ‘organophosphorous poisoning’ na mula sa insecticide sa gulay na inihanda sa mga bata.
Posted on: Wed, 17 Jul 2013 18:40:31 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015