ABANTE NEWS: JULY 31, 2013 Mag-ate silat sa 14 kilong - TopicsExpress



          

ABANTE NEWS: JULY 31, 2013 Mag-ate silat sa 14 kilong ‘ice’ (Aries Cano) Dinakma ng Hong Kong (HK) Customs authorities ang magkapatid na Filipina dahilan sa nabistong 14 kilo ng hinihinalang ilegal na droga sa bagahe ng mga ito sa Hong Kong International Airport nitong Linggo, Hulyo 28. Iniulat nitong Lunes ng gabi ng Radio Television Hong Kong na ang dalawang nadakip ay papuntang Pilipinas. Nasa 27 at 31 umano ang edad ng magkapatid na Pinay. Sinasabing 14 kilo ng methamphe­tamine o ‘ice’ na may street value na HK$11 milyon o katumbas ng mahigit 60 milyong piso ang nasamsam na bawal na gamot. Itinago umano ang ilegal na droga sa tatlong bagahe. Ang nasabat na kilu-kilong methamphetamine sa mag-ate ay tinuturing na pinakamalaki sa HK simula noong 2011.
Posted on: Wed, 31 Jul 2013 07:11:43 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015