ACMC inisnab ng Taiwan; Binoykot ng Taiwan ang idinaos sa bansa - TopicsExpress



          

ACMC inisnab ng Taiwan; Binoykot ng Taiwan ang idinaos sa bansa na 11th Asian Crisis Management Conference (ACMC) na kung saan ito’y pagtitipon ng mga crisis manager at disaster expert mula sa mga pangunahing malala­king lungsod sa Asya para talakayin ang disaster preparedness ng mga rehiyon. Marahil dahil na rin ito sa sama ng loob pa rin ng Taiwan sa Pilipinas kaugnay sa pagkamatay ng isa nilang mangingisda na nahuling nangisda sa teritoryo ng bansa noong Mayo 9. Ayon kay Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) Chairman Francis Tolentino, walang dumalo mula sa bansang Taiwan sa idinaos na ACMC na kung saa’y ang MMDA ang host ng naturang dala­wang araw na kumperensya na nagsimula kahapon. Ngunit nilinaw ni Tolentino na dalawang linggo bago pa man ang pagtitipon ay nag-abiso na ang pamahalaan ng Taipei sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang liham ukol sa hindi nila pagdalo sa naturang pagpupulong. Taunang ginagawa ang pagpupulong ng 13-member-cities ng tinatawag na Asian Network of Major Cities21 (ANMC21). Ang ANMC21 ay isang organisasyon ng mga malalaking capital cities sa Asya na nagtutulungan sa usaping may kinalaman sa urban planning, sustainability, and crisis management. Kabilang sa ANMC21 member-cities ay ang Bangkok, Delhi, Hanoi, Jakarta, Kuala Lumpur, Me­tropolitan Manila, Seoul, Singapore, Taipei, Tokyo, Tomsk, Ulaanbaatar at Yangon. creator.-))
Posted on: Wed, 10 Jul 2013 20:53:07 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015