ADIK SA FACEBOOK....... Bakit nga ba karamihan sa mga pinoy - TopicsExpress



          

ADIK SA FACEBOOK....... Bakit nga ba karamihan sa mga pinoy ngayon ay adik na sa Facebook? Lahat ng kaganapan sa buhay ay ginagawang status. Hindi na nga simpleng libangan kung tutuusin, kundi isang adiksyon. Kung dati, masaya na ang isang tao pag nabubusog, ngayon kinukunan na nya ito ng litrato at nilalagyan pa ng tagline…”I had this for lunch, yummy!” Well, alam na natin laman ng bituka nya at mukhang masaya naman siya. Noon, kapag malungkot ang isang taong sawi sa pag-ibig, iiyak siya sa kwarto, pipikit at luluha ng tahimik. Ngunit ngayon, agad nyang bubuksan ang facebook para ibulalas sa mundo ang sakit, galit at lungkot na dulot ng pakikipag-hiwalay. ” I am deeply hurting, in so much pain.” Ngayong alam na nang sangkatauhan na nasasaktan siya, bubuhos na ng “likes” at “comments”. (kailangan lumungkot ang kapaligiran, at sasaya na siya.) Ayus… Bakit nga ba pino-post ng dati kong classmate ang lahat ng gamit nya sa wall nya? Inakala ko tuloy dati na mag ga-garage sale siya. Yun naman pala, sinasabi lamang nya na mahal ang lahat ng ito. Wala namang duda, dahil ini-usli nya ang lahat ng etiketa…(kaw na! kaw na ang mayaman!) Pero para saan nga ba? First time mo ba teh? May kakilala akong galit sa mapag-panggap ngunit buong ngiting sumandal sa kotse ng kaibigan at ginawa pang profile picture. (Weh, sinabi ko bang akin? Di naman diba?) O nga naman. Walang basagan ng trip! Nagbabago pananaw ng lahat! Pero ayaw mo nang mapag-panggap diba? Doon ka sumandal sa owner mo pare. At eto pa, marahil ang pinaka-paborito ko sa lahat, isang shout-out na nagpakirot sa utak ko. “oh my god, my head is attacking me!” Masakit ba ulo nya? May ulo pa ba siya? Baka naman fan ito ng pelikula noong 80′s na “ulong pugot nag-lalagot”. Paki-explain naman ate….masakit ka sa brains e. Ang tatay ko walang paki-alam sa teknolohiya. Ngayon masigasig na siyang nagbubukas ng facebook para suriin ang komentaryo ng isang ka-debate sa pulitika. At kapag masaya na siyang nakapag-comment, marahan nyang sasabihin, “anak, pa log-out nalang ako ha”. (Ay opo, sure!) Maraming dahilan na papanigan nang lahat ng adik sa Facebook. Masayang may makasama sa lahat ng nararamdaman natin. Masarap malaman na may malulungkot kapag malungkot ka. May matatawa sa mga hirit mo. May magigising sa mga patama mo. May mag-sisisi sa pag-iwan sayo. May titingin sa bagong picture mo. Masarap nga namang mag-Facebook. Alika,mag log-in na tayo.
Posted on: Wed, 14 Aug 2013 00:05:10 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015