ANAK NG OFW NA NAGHAHANGAD NG PAGMAMAHAL NG MAGULANG Sa kunting - TopicsExpress



          

ANAK NG OFW NA NAGHAHANGAD NG PAGMAMAHAL NG MAGULANG Sa kunting kahilingan ay di pa magawang ibigay. Masakit sa akin na binabaliwala ako ng magulang ko. Lagi nila sinasabingnasa abroad sila ni singkong pera di nila magawang ibigay sa akin para makabili ng makakain lagi ko lang naririnig anak wala pang suweldo si nanay mo. Subalit makikita ko na lang maraming pinamili si itay. Ni masarap na pagkain di niya maihanda sa amin. Mahirap ang amang lasinggo...! Laging nauubos ang perang padala ni inay ang akinginang kawawa. dahil sa pagsusugal ni itay ay ubos agad ang pera, ang kawawa kung ina ayaw maniwala sa akin. Ito ako ngayon namamalimos para lang magkaroon ng laman ang aking sikmura. Kay sakit ang malayo sa magulang di nila alam kung ano ang buhay namin dito subalit ano pa nga bang magagawa ko kundi labanan ang ano mang unos na darating sa aming buhay. Ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili na di mapaiyak lalo na pag ang aking sikmura ay kumukulo nahingi nang pagkain. Ang magaling kung ama sampal at suntok lang ang binibigay nito sa amin Diyos ko sana makaya ko pa ang lahat nang ito parang awamo na tulongan mo akong ituro anglandas sa aking amang walang ginagawa kundi ang manakit sa amin. Sana po makaya ko pa ang lahat o makita ko pang ang aking ina. Sa lahat ng OFWs sa Buong Mundo,hangad ko po naging maayos kayo at ang ating Pamilya! Ate sam
Posted on: Mon, 05 Aug 2013 11:00:47 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015