ANG E-MAIL NI LOLO MAHAL KONG APO, Hindi ko maiwasang mag-isip - TopicsExpress



          

ANG E-MAIL NI LOLO MAHAL KONG APO, Hindi ko maiwasang mag-isip sa mga nangyayari sa ating mundo. Ang dami nang pagbabago. Noong araw kasi apo, SIMPLE LANG ANG BUHAY. Noon ang APPLE at BLACKBERRY ay PRUTAS.. ngayon celpon at computer na siya. Noon kapag narinig namin ang salitang YAHOO, ibig sabihin natutuwa sila. Walang FACEBOOK, beautiful faces lang; o kaya’y may book pero walang face. Noon ang TWEET ay tawag namin sa huni ng ibon.. ngayon pag-sinabing tweet, may kinalaman pala iyon sa TWITTER nyo. Mayroon ng phone, pero wala pang CELL PHONE. Maririnig lang ang salitang CELL sa science subject lang. Wala pa noong iPad, pero meron kami noon PAD o MY PAD na ibig sabihin ay PAD PAPER. Noon ang TABLET ay BILOG na gamot, pero bakit ngayon, ang tinatawag na TABLET ay RECTANGLE na parang maliit na TV. May naririnig pa akong BLUETOOTH, bakit, uso na ba ngayon ang ngipin na blue.. eh yellow nga lang noon ang sagwa na tignan. Noon kapag sinabing ACCOUNT, bank account lang. Pero ngayon, tweeter account, Facebook account. O, sige apo, kinukuha na nitong kaibigan kong senior citizen ang hiniram kong CHROMEBOOK niya. Mabait siya, tinuruan niya akong mag-e-mail. Iyon ang dahilan kung bakit itinanong ko sa iyo ang e-mail address mo noon tumawag ako sa telepono ninyo. Kapag naibili na ako ng daddy nyo ng iPhone, tuturuan daw niya ako kung paano gumamit ng KAKAO TALK or VIBER para libre. Basta’t ang bilin ko lang sa inyo, ANUMANG PAGBABAGO ANG MANGYARI SA MUNDO ITO, KUNG GUSTO NYO MAKAUSAP ANG ATING PANGINOON.. gamitin pa rin natin ang pinakasimple paraan ng KOMUNIKASYON SA ITAAS.. ANG DASAL. Wake up message from lolo. Thnx po for reminding us! gentle.heart
Posted on: Fri, 27 Sep 2013 08:35:39 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015