ANG GUILTY SPOUSE (SINAMPAHANG ASAWA) SA ANNULMENT OF MARRIAGE O - TopicsExpress



          

ANG GUILTY SPOUSE (SINAMPAHANG ASAWA) SA ANNULMENT OF MARRIAGE O DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE AY PWEDENG TANGGALAN NG KANYANG SHARE O ALISAN NG KANYANG KAPARTE SA CONJUGAL PROPERTY AT IBIGAY ITO SA MGA ANAK O SA INNOCENT SPOUSE (NAGSAMPANG ASAWA) DAHIL ISA SA MGA EPEKTO NG DESISYON NG KORTE SA ANNULMENT OF MARRIAGE AY PAGHAHATI NG MGA NAPUNDAR NA PROPERTY O ARI-ARIAN AT ANG PAGFORFEIT NG SHARE NG GUILTY NA ASAWA IN FAVOR NG KANILANG ANAK O INNOCENT NA ASAWA AT PAGTANGGAL NG GUILTY NA ASAWA BILANG BENEFICIARY SA INSURANCE NG INNOCENT NA ASAWA. Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung sasagutin ba nila o lalabanan nila ang annulment of marriage o declaration of nullity of marriage na sinampa ng kanilang asawa dahil gusto na rin naman nila na makipag-hiwalay sa asawa. Ganito ang usual na tanong nila: "Atty., nagfile po ng annulment ang asawa ko laban sa akin ngunit siya po ang nambabae at lahat ng pundar namin ay nasa kanya. Binibigyan lamang po kami ng maliit na suporta. Ayaw ko na po lumaban dahil gusto ko na rin naman na maghiwalay kami, ano po ba ang the best action ko?" Ang best action ay depende sa circumstances ng bawal kaso at walang isang sagot dito. Ngunit kailangan malaman ng mga friends ng E-Lawyers Online na ang annulment of marriage o declaration of nullity of marriage ay may mga epekto na makakasama sa sinampahan nito. Gaya ng tanong sa itaas, kung hindi niya sasagutin ang sinampang annulment at siya ang lumabas na guilty spouse sa desisyon ng korte, wala siyang makukuha na share sa conjugal property. Ang annulment of marriage o declaration of nullity of marriage ay isang proseso na dumadaan sa korte kung saan ang mga desisyon dito ay maraming epekto. Isa sa mga epekto ng desisyon ng korte sa annulment of marriage o declaration of nullity of marriage ay ang pagbabago ng status ng mga anak ng mag-asawa. Kung pabor ang desisyon ng korte sa annulment of marriage o declaration of nullity of marriage at pinawalang bisa ang kasal ng mag-asawa, isa sa mga epekto nito ay ang pagkalap ng lahat ng ari-arian at napundar ng mag-asawa bilang conjugal property at paghahati nito pagkatapos bayaran ang mga utang. Ayon sa Article 50 in relation sa Article 43 (2) (3) and (4) ng Family Code ang conjugal property ay i-didissolve at mawawala na, ikakalap ang lahat ng ari-arian ng conjugal property at babayaran ang kahat ng utang at ang matitira (net profits) ay paghahatian ng mag-asawa. Ngunit kung ang isang asawa ay in bad faith at siya ang sinabi ng korte na guilty spouse, ang kanyang share sa conjugal property ay forfeited in favor sa kanilang mga anak o common children o, kung wala silang anak, sa anak ng guilty spouse sa kanyang previous marriage, o kung wala siyang anak, sa innocent spouse o walang kasalanan na asawa. Ang lahat ng donations by reason of marriage shall remain valid, except that if the donee contracted the marriage in bad faith, such donations made to said donee are revoked by operation of law; Ang innocent spouse o walang kasalanan na asawa ay pwede niyang i-revoke o tanggalin ang designation ng guilty na asawa bilang beneficiary in any insurance policy, even if such designation be stipulated as irrevocable; Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa tamang paghahati ng conjugal property, annulment of marriage o legal separation at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at e-lawyersonline Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link facebook/E.Lawyers.Online. All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.
Posted on: Tue, 13 Aug 2013 04:35:50 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015